Blake's POV "Halos mahimatay na ako sa sobrang pag-aalala! Hindi man lang kayo nagpaalam sa akin!" She's mad. I know, she's mad. "Boys will be boys naman talaga! Alam n'yo ba kung anong oras na? Twelve midnight! Mabuti nga at nakatulog na ang bunso natin!" Karga-karga ko si Aivan na kasama ko kanina, Nagpasama kasi ako sa kanya sa birthday ng kaibigan kong si Kenneth. Mabuti nga at pumayag ang anak ko, Si Cassie naman talaga dapat ang isasama ko sa Party ni Kenneth, 'yun nga lang ay hindi niya pwedeng iwanan si Allen, ang bunso namin. "Hon naman... Huwag mo na akong sermunan oh? Wala naman akong ginawang masama." Napanguso ako. Kinuha niya si Aivan sa akin at sumunod naman ako sa kanya patungo sa kwarto ni Aivan. Nang maibaba niya si Aivan sa kama ay lumabas na rin naman kaagad kami,

