Cassandra's POV "Aivan? Sabi sa akin ng teacher mo, hindi mo raw ipinasa ang assignment mo." Sabi ko sa anak kong si Aivan nang lumapit siya sa akin. Kasalukuyan kasi akong nasa school ni aaivan at sinusundo siya. Uwian na rin nila kaya hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal. "Huh?" Kumunot ang noo ni Aivan, "My teacher told me, that there's no assignment! Kaya wala akong ginawa." Sabi niya na alam kong nagpapalusot lang naman ulit siya. Napa-iling na lamang ako sa palusot ni Aivan, "Hay nako ka talaga Aivan.... Basta kapag may isinumbong ulit sa akin ang teacher mo, malalagot ka na talaga sa akin." Sabi ko pa sa kanya, yumuko naman siya. Tinignan ko naman ang paligid, "Nasaan nga pala si Avygail?" Tanong ko pa sa kanya. Magkaklase kasi sila sa lahat ng subjects. "Uhmm." Nap

