bc

#Alter: Ang Morenong Waiter ng Mamihan [M2M]

book_age18+
205
FOLLOW
1.2K
READ
others
others
bisexual
lighthearted
realistic earth
others
slice of life
gay
like
intro-logo
Blurb

Anong gagawin mo kung may gusto ka pang kainin bukod sa mami?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Ako si Alex. 22 years old. Kakatapos ko lang halos ng kolehiyo kaya naman derecho work agad. Ngayon, isa na akong full-time corporate slave. Sobrang traffic ngayong gabi kaya lagpas 11 PM na ako nakababa ng jeep dito sa amin. Kumakalam na ‘yung sikmura ko sa gutom kaya napagdesisyunan kong kumain muna bago umuwi ng dorm. Bigla akong may naamoy na mami kaya naalala ko ‘yung eatery sa kanto na medyo late na nagsasara. Tumakbo na ako para maabutan ko pa. “Pwede pa bang kumain?” tanong ko sa isang waitress. “Sige po, Sir. Sabihan niyo na lang po ‘yung kasama ko at mauuna na po ako umuwi,” sagot sa akin ni ate. “Ano pong order nila, Sir?” tanong sa akin ng naiwan na waiter. Siguro dahil sa sobrang gutom ko ay napatulala ako sa kanya. Moreno, matangkad, at gwapo - medyo hawig niya si JC Alcantara o mas kilala na Mico sa Hello Stranger. “Sir?” tanong ulit ng waiter. “Ahhh- Ano…isang order nga ng beef mami at saka isang coke…spicy ‘yung mami ah,” pahabol kong sagot. “Sige po, Sir,” ngiting sabi sa akin ng waiter. Wala pang 5 minutes ay inihain na agad sa akin ng morenong waiter ‘yung order ko. Dahil ako na lang ang customer, inabangan na niya ako at umupo malapit sa akin. “Bakit ikaw na lang ang naiwan?” tanong ko upang mabasag ang katahimikan. “Sa tita ko po kasi itong mamihan, Sir. Umuwi po kasi ng probinsya kaya ako po muna nagma-manage.” Siya si Roland. 19 years old. Ulila sa ama at ina, walang kapatid. Kinupkop siya ng tita niya at itinuring na bilang sariling anak. Summer break at walang pasok kaya siya na muna ang tumutulong sa pagpapatakbo ng mamihan ng kanyang tumatayong ina. Humaba pa ang kwentuhan namin ni Roland hanggang sa mas naging personal ang mga tanungan namin. “Hahaha, sorry. Gabi na at humabol pa ako. Baka inaantay ka na ng girlfriend mo,” biro kong sabi sa kanya habang humihigop. “Wala po akong GF, Sir. Hahaha. At saka dito naman po ako natutulog – doon po sa taas. Kaya ok lang po,” sagot ni Roland. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa init at anghang ng mami. Hindi na sapat ang buga ng electric fan upang mapigilan ang pag-init ng katawan ko. “Ahh, ganun ba. Nice, solo mo pala itong lugar kapag gabi. Baka may dinadala ka dito,” pabiro kong sagot sa kanya. “Hahaha. Kayo po talaga, Sir Alex,” tawang sagot sa akin ni Roland. Sa sobrang pawis ko ay naghubad muna ako ng polo at sinabit ko ito sa isang upuan. Kahit na lulong ako sa trabaho ay naaalagaan ko pa rin naman ang aking katawan kaya naman proud akong mag-topless. Sabi nila kamukha ko rin daw si Paulo Avelino kaya naman lapitin na ako simula college pa lang. “Patuyuin ko muna nang kaunti, sobrang pinagpawisan kasi ako. Masama rin matuyuan ng pawis,” sabi ko sa kanya. “Wala pong kaso, Sir,” sagot ni Roland. Tuloy ang aming kwentuhan. Pansin ko na minsan ay pumupuslit siya ng tingin sa aking matipunong pecs at abs. Kung kanina'y sa mukha ko lang siya nakatingin, ngayon naman ay malikot na ang kanyang mga mata. Gusto ko i-check kung tama ba ang hinala ko. Kinuha ko ang aking panyo at pinunas sa aking katawan - mula sa tiyan, braso, hanggang makarating sa aking batok. Sadya kong pinakita ang aking kili-kili habang inaabot ng panyo ang pawisan kong likod. Pansin kong napalunok si Roland sa kanyang nasaksihan. Tama nga ang naisip ko. Gusto ko pa siyang akitin at nang sa gayon ay tuluyan na siyang bumigay sa temptasyon. Ipapakita ko sana ulit ang maputi kong kili-kili nang biglang tumunog ang cellphone ni Roland. Lumayo muna siya upang sagutin ang tawag ng kanyang tita. Hindi nagtagal ay naubos ko na rin ang mami. Bumalik na si Roland upang magligpit. “Salamat po, Sir Alex. Balik po kayo,” sabi sa akin ng morenong waiter habang nililinis ang table ko. Nagpresenta naman akong tulungan siya sa pagpasok ng mesa na nasa labas. “Naku po, Sir. Di na po kailangan. Ok lang po,” hiyang sabi sa akin ni Roland. “Ano ka ba, walang kaso. Besides, ako rin ang dahilan kung bakit late ka na nagsara,” sagot ko kay Roland. “Hala, Sir. Nakakahiya talaga,” ‘di na rin ako pinigilan ni Roland sa pagtulong sa kanya. Marahil pagod na rin kaya naman tinanggap na niya ang tulong ko. “Saan ba ito ilalagay?” tanong ko kay Roland. “Yung mga mesa po Sir doon pa po sa likod eh... ako na po kaya?” agad na sagot ni Roland. “Sus, ako pa. Kayang kaya ko to. Hahaha,” sagot ko kay Roland habang pine-flex ang aking biceps. Nasa likod nga ng bahay ‘yung lagayan ng mga mesa. Pabalik na sana ako nang maaninag ko ang ginagawa ni Roland. Dinampot niya ang aking pawisang polo at sinisinghot-singhot ang naghalong amoy ng aking pawis at pabango. Para siyang nauulol sa bawat langhap. Nagtago ako sa likod ng pinto at sumilip sa siwang upang malaman ang nangyayari. Para siyang adik na matagal nang 'di nakalanghap ng ipinagbabawal na gamot. Hindi na ako nakatiis at nagsimula na rin akong mag-init sa libog. Para mas maging exciting ang kaganapan, may naisip akong eksena - umatras muna ako at kunyari ay pabalik pa lang sa kainan. “Grabe, araw-araw mo dinadala doon sa likod ‘yung mga mesa?” medyo pasigaw kong tanong para malaman niyang paparating na ako. Ramdam ko ang pagmamadali niya, hahaha! Pagkabalik ko ay nagliligpit na ulit siya ng mga upuan. Nakita ko ‘yung polo ko na nakasabit pa rin sa dating kinalalagyan nito. Kung 'di ko nakita 'yung nangyari kanina, 'di sasagi sa isip ko na minanyak na pala ng binatang 'to 'yung polo ko. “By the way, saan ‘yung CR niyo? Pwedeng makiihi?” tanong ko say Roland. “Doon po Sir… sa likod, sa may kaliwa po ng lagayan ng mesa,” sagot sa akin ni Roland na hanggang ngayon ay nagliligpit habang nakatalikod sa akin. “Pwedeng pasama?” makahulugang aya ko kay Roland. Napaharap siya sa akin habang hawak ang tray na nakaharang sa kanyang harap. Malamang ay may nabuhay na sa loob ng kanyang short. Walang hiya ko namang pinakita ang bakat sa aking pantalon. Agad naman niya itong napansin at lumagkit ang kanyang tingin. “Hahaha, sorry. Naiihi na kasi talaga ako kaya medyo bumukol na,” palusot kong sabi kay Roland habang hinahaplos ang loob ng hita ko. “Ahh... o-opo, tara po sir…” nauutal na sabi ni Roland. Tahimik kaming pumunta sa madilim na likod ng bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
53.3K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
56.7K
bc

BAYAW

read
81.9K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook