Chapter 3

1006 Words
"Ang init!" sigaw ng isang binata pagkagising. Tag-init na talaga. Umaga pa lang pero pang-tanghali na 'yung sinag ng araw. Pinawisan pa rin si Alex kahit na naka-boxer shorts lang siya natulog. "Kailangan ko na yata magpa-install ng aircon. Di bale, malapit na 'yung sahod," pakonswelo niya sa sarili niya. Kinuha niya ang kanyang manipis na sando at naghilamos. Hindi na siya nagdagdag ng pang-ibaba dahil parang shorts din naman ang boxers niya. Dahil sa init, bigla siyang natakam sa milk tea. Sakto, merong milk tea malapit sa kanila - doon sa tapat ng mamihan. Kinuha ni Alex ang kanyang payong at lumarga na palabas. Nang makarating sa harap ng milk tea shop, nakita niya si Roland na nakaupo sa harap ng mamihan. Siguro dahil sa payong ay 'di siya napansin nito. Pawisan din si Roland dahil sa sobrang init. "Kuya, padagdag pa po ng isang milk tea," pahabol ni Alex sa nagtitinda. "Grabe, ang init. Nawalan pa ng tubig," inis na monologue ni Roland habang nagpapaypay sa harap ng tindahan. Sa sobrang irita ay 'di niya masyadong pansin ang nangyayari sa kanyang paligid. "Palamig ka muna," biglang may nag-aya sa kanya ng milk tea. "Hello, Sir Alex..." pagtatakang bati ni Roland nang makita niya ang lalaking bumungad sa harap niya. "Maka-Sir 'to, Alex na lang. At saka 'di ako mukhang "Sir" ngayon, nakita mo naman. Init ngayon, no? Ito, milk tea," aya ulit ni Alex. "Thank you po," tinanggap ni Roland ang milk tea at napatitig kay Alex. Lalo siyang naging sexy sa manipis niyang sando, samahan mo pa ng maikling boxer shorts. Kahit nakita na ni Roland ang kaniyang kahubdan, may pananabik pa rin siyang naramdaman nang makita niya si Alex na ganito ang suot. Para siyang nang-iimbita na makipagsiping sa kanyang provocative na suot. "Ang hot..." 'di sinasadyang mabanggit ni Roland ang katagang ito. Buti na lang at mahina ang pagkakasabi niya. "Huh?" tanong ni Alex. "Ang hot...ng weather, Sir. Grabe, 9 AM pa lang halos pero tirik na 'yung araw," palusot ni Roland sabay higop ng milk tea. "Di lang naman araw 'yung tumitirik, at saka kahit gabi nangyayari..." 'di na natapos 'yung biro ni Alex nang may biglang nasamid sa tabi niya. "Pfffft...Sir Alex!" kunyaring inis ni Roland sa korning linya. "Hahaha, sorry na. Bakit nga pala ikaw lang na naman ngayon?" tanong ni Alex. "Bumili po 'yung kasama ko, si Ate Macy, ng rekados sa palengke. Out of stock na po pala kami. Tapos naman na 'yung agahan kaya kahit ako muna dito," sagot ni Roland. Kumain na rin doon si Alex. Bukod sa mami ay nagtitinda rin sila ng mga silog tuwing umaga. "Uy, salamat! At saka wag ka na mag-opo sa akin. Di naman ako tanders," tuwang tinanggap ni Alex ang cornsilog. "Oo nga pala, ayos 'tong business niyo. Maraming mga dorm na nakapalibot," dagdag niya habang lumalamon. "Yup, puro estudyante at mga trabahador usually kumakain dito," sagot ni Roland. "Ayos sana kung may free delivery dito sa malapit para in case na 'di makalabas ng bahay eh makakachibog pa rin," suggestion ni Alex. "Kulang po kasi sa tao, kaya imposible po," agad na sagot ni Roland. "Oo nga, in case lang naman. At saka baka sumikat kayo lalo at 'di na ako makakain dito," biro ni Alex. "Hahaha, lagi po kayong welcome dito." "Sabi ko 'wag ka na mag-opo eh, tsk." "Pag busy po kayo at 'di po kayo makapunta dito, pwede ko naman pong ihatid," alok ni Roland habang kinakamot ang ulo niya. "Oh, talaga ba? Hmmm, sige. Ito number ko. Pahingi rin ng number mo," nilabas nila ang kanilang mga cellphone at nagpalitan ng number. "Salamat! Promise magiging suki niyo na ako dito. Pangako ko yan as a client," tawang sabi ni Alex. Nag-save agad si Alex ng number ni Ronald at pinangalanan niya itong "Morenong Waiter ng Mamihan" sa kanyang phonebook. "Bleurgh...Krook..." Biglang tumunog ang tyan ni Roland. Kita ang pagbabago ng ekspresyon niya. "Teka lang," 'di na nagpaliwanag si Roland at dali-dali siyang pumunta sa likod ng kanilang bahay. Patuloy naman na kumain si Alex. 3 mins 5 mins. 10 mins. 15 mins. 20 mins. Matagal nang natapos si Alex sa kanyang agahan. Ilang minuto na siyang naghihintay pero 'di pa rin bumabalik si Roland. "Ano na kaya nangyari doon?" tanong ni Alex sa kanyang sarili. Pumunta siya sa likod kung saan pumunta 'yung kasama niya. "Ate Macy?" sigaw ni Roland nang makarinig siya ng yapak malapit sa CR. "Roland?" sagot ni Alex. "Sir Alex?" "Oo, ako nga. Anong nangyari sa'yo?" pag-aalalang tanong ni Alex. "Sumama po 'yung tiyan ko, doon po yata sa milk tea," sagot ni Roland. "Lactose intolerant ka? "Di ko po sure. Sa pagkakaalam ko po ngayon lang 'to nangyari," sagot ni Roland. "Ok ka naman na? Bakit nandyan ka pa?" "Ok naman na po, kaso wala nga po palang tubig. Wala rin pong tissue..." nahiya na si Roland na ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. "Sige, bili muna akong tissue," sagot ni Alex. Hindi nagtagal ay bumalik na rin siya na may dalang tissue. "Roland, ito na," sabi ni Alex. "Paki-iwan na lang po dyan sa tapat ng pinto. Salamat po," sagot ng isa. "Wag ka na mahiya, nakita ko naman na yan. Hahaha!" kantsaw ni Alex. "Nakakahiya po...at saka mabaho," mas lalong nahiya si Roland dahil sa sitwasyon niya dahil pinaalala ni Alex ang nangyari sa kanila. "Dali na, buksan mo na," mahinahong sagot ni Alex. "Click!" Bumukas na ang pinto at bigla itong binukadkad ni Alex. Nagulat si Roland at napatakip siya sa kanyang nether regions. Namula siya sa hiya dahil sa ginawa ng lalaking nasa harap niya. "Roland..." 'di maiwasang mapatitig ni Alex kay Roland. Pawisan siya at namumula, ganitong ganito 'yung itsura niya noong nag-s*x sila dito. Kusang gumalaw ang kanyang kamay at hinawakan ang mapupulang labi ni Roland. Napakagat din siya sa sariling labi pero naalala niya ang kasalukuyang sitwasyon. "Puff!" Sinapok siya ni Alex ng tissue sabay alis. Nagtataka si Roland sa kinilos ni Alex. "Anong nakain nun?" tanong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD