Was it my karma? Tama nga kaya si Trisia na sana ay hindi na lang ako bumalik? Sana ay hindi na lang ako nagpakita pa na muli? Tama ba na inuna ko ang nararamdaman ko sa pagkakataon na ito kaysa sa mararamdaman ng iba? Okay na ba talaga? “I-I am sorry… S-Sorry, Lovely… Please, be okay, my love.” Naramdaman ko ang mainit at mahigpit na kapit sa kamay ko. Sunod-sunod din ang naririnig ko na pagtangis mula sa pamilyar na boses. Am I deserving of this man? Or am I his worst nightmare? Bahagya akong gumalaw bago imulat ng dahan-dahan ang mga mata. Blinding light impaired my eyes for a second. “L-Lovely? Oh, shít. I will call the nurse.” Ngayon ko nakumpirma na nasa hospital ako. Naramdaman ko na may kakaiba sa ulo ko kaya umangat ang kamay ko para humawak doon. “May benda sa ulo

