Prologue
Are you a believer of destiny?
It is said that people who are destined for each other are connected by an invisible red string of fate.
Well in my case hindi ito invisible. Interesting, right? Oo, nakikita ko. I vividly remember seeing red strings all over the air. I was 4 when I realized na ako lang ang nakakakita sa mga ito. I never told anyone apart from my lola who at that time believed in me without a doubt.
Actually, siya pa ang nagturo sa akin ng mga bagay na alam ko tungkol sa mahiwagang tali na ito.
Kapag nakatali palang ito sa kalingkingan at mapusyaw ang kulay ang ibig sabihin ay hindi pa nagkikita ang mga itinadhana. Kapag pulang pula na ito ibig sabihin malapit na silang magkita o nagkita na sila.
Kapag naman nakatali na ito sa palasingsingan ibig sabihin fulfilled na ang destiny nila, either mutual na yung nararamdaman nila o di naman kaya ay kasal na sila.
Ang nakakalungkot ay kapag kulay itim na ang dulo nito, ibig sabihin putol na ang taling nag-uugnay sa mga ito. Marahil ay naghiwalay na sila o dili kaya’y wala na sa mundong ibabaw ang taong nasa kabilang dulo ng tali.
Growing up with this kind of ability has pros and cons. Noong bata ako walang naniniwala sa akin kapag sinasabi kong hindi destiny ng mga tita at tito ko ang mga nagiging nobyo o nobya nila. Tinatawanan lang nila ako.
Masyado pa raw akong bata para sa mga bagay na ganoon. I feel frustrated kapag nakikita ko silang umiiyak dahil sa heartbreak. Meron pa akong tito na muntik nang magpakamatay dahil sumama sa iba ang nobya niya noon.
Yung tita kong kapatid ni mama muntik nang mabaliw dahil hindi sinipot ng mapapangasawa niya sa simbahan. Ayaw nilang maniwala sa akin eh kaya hinayaan ko lang sila.
Nag-umpisa lang silang makinig sa akin noong inuwi ng isa kong tito ang nobya niya. I was in high school back then.
The red string that bound them glowed like fire. Kaya sabi ko sa tito ko noon huwag na niyang pakakawalan ang girlfriend niya kasi sila ang magkatadhana. And true enough ang ending kinasal sila, nagkaroon ng apat na anak. Masaya at maluwalhati ang naging pagsasama nila.
I was over joyed dahil nagkaron ng katibayan ang mga sinasabi ko. Little did I know na iyon na din ang mitsa ng magiging kapalaran ko. Ang dakilang matchmaker ng Casa Natividad. Hindi na ako tinatanan ng mga kamag-anak pati ng mga kakilala ko ang kakatanong tungkol sa kani-kanilang destiny.
And later on, naging issue din ito sa napili kong career. Well, slight lang naman. Malimit lang naman kaming mawalan ng divorce client. You heard it right, I am a lawyer.
Initially I specialized in corporate law pero last year mas naging madalas ang paghahandle ng firm ng mga civil cases. Naging trend na yata kasi ang pakikipaghiwalayan ngayon kaya tambak ang trabaho sa opisina.
Apat na abogado ang may specialty nito sa firm na pag-aari ng pamilya namin pero hindi parin nila kaya yung volume. I volunteered to help on the side.
My first case was the Soriano couple. At first, I was hesitant kasi buhay na buhay ang kulay ng thread na nagdudugtong sa kanila. So, I let my emotions take over. I told them na kung itutuloy nila ang paghihiwalay ay kapwa lang sila mahihirapan. Pinayuhan ko silang magbakasyon ng isang buwan bago magdesisyon kung itutuloy parin ba nila ang planong divorce.
After a month bumalik sila sa opisina with a box of expensive brand of coffee from Dubai na iniinom daw ng royal family doon. Along with it was good news dahil nagka-ayos na daw sila at buntis na ang babae kaya hindi na din nila itinuloy ang divorce. Pikon na pikon sa akin ang kuya ko. Mawawalan daw kami ng kliyente kapag ipinagpatuloy ko pa ang ginawa ko.
For me, why not? Hindi naman sagot sa lahat ng bagay ang paghihiwalay. Nakakalungkot ding makita na nawawalan ng kulay ang taling nagdudugtong sa dalawang taong itinadhana.