Kabanata 5

1324 Words
Handa na si Leonardo labanan ito nang may marinig silang ingay. Isa, dalawa at tatlo. Takbo kasabay ng grupo paalis. Hindi iyon inaasahan ni Leonardo. Napahawak siya sa tagiliran at muntik ng matumba kung hindi siya inalalayan ni Ocean. Her warm hands were gripping his shoulder. Ocean was shocked but immediately checked Leonardo’s wound. “Kailangan mong magamot,” she said and her eyes are showing concerned. Inalalayan ng isang bodyguard si Leonardo papasok sa kotse. Agad lumabas si Clara para puntahan si Leonardo. Ngunit huli na dahil isinakay na ito sa kotse at umalis na. Ang mga mata niya ay puno ng pag-aalala. Bakit hindi siya agad tumakbo para tulungan ito? “Clara.” “Itay!” Inalalayan ni Clara ang amang si Mang Ed. Grabe ang nerbyos na nadarama niya kanina dahil sa mga armadong lalaki. Ngayon na naman ulit ang mga ito nagpakita at nanggulo. “Si Leonardo ba iyon?” tanong ni Mang Ed na nakatingin sa kotseng papalayo. “Opo.” “Sana ay maayos lang siya at magamot ang sugat niya.” May pag-aalala sa boses ni Mang Ed. Kita niya rin naman kasi na walang masamang gagawin ang binata at mabait naman. Yumuko nalang si Clara sa nasambit ng ama. ‘Magiging ayos naman siya dahil siguradong may paunang lunas si Ma’am Ocean.’ “Tara na ho.” ----- “Pakikuha ng first aid kit,” utos ni Ocean sa kasambahay. Pinahiga niya si Leonardo sa isang guest room para doon gamutin. Shock man ang karamihan ay agad silang bumalik sa kani-kanilang ginagawa. Ito ang unang beses na may isinama ang amo sa mansion. “Ito na po, Ma’am.” Abot ng kasambahay saka lumabas ng kwarto. “Alisin mo ang damit mo,” usal ni Ocean na sinunod naman ni Leonardo. Marami na kasi ang dugo sa damit nito at nakahaharang pa. Lininis ng dalaga ang sugat saka linagyan ng ginamot at benendahan. Kumuha siya ng isang t-shirt para ipasuot sa lalaki. “May kasama kang lalaki sa bahay na ‘to?” tanong ni Leonardo ng nakakunot ng noo. Why did she have a man’s clothes? Does she have a boyfriend? Akala ba niya ay mag-isa lang ito? “Wala. Sa akin ang damit na ‘yan. Komportable kasi ako sa ganyan,” sagot ni Ocean. Leonardo sigh in relief. Bakit? Hindi niya din alam. “Salamat,” he sincerely thanked her. Medyo hindi naman masakit ang pagkakasaksak sa kanya. “Ngayon ang alis mo. Kaya mo bang tumayo? O dumito ka muna para magpagaling?” Iyong chopper nakahanda na sa likod. Pero mukhang hindi makakaalis si Leonardo dahil sa sugat nito. Ngayon kasi ang araw na tutulungan niya sana ang binata makaalis sa islang ito. “Can I ask something?” Tumango lang si Ocean. “Iyong mga lalaki kanina, are they living here? Kilala mo ba sila?” Kanina pa ito gustong itanong ni Leonardo dahil importante ang impormasyon na makukuha niya kung totoo ngang nandito ang kuta ng grupo na iyon— kung totoo nga ang hinala niya. “Pitong taon na akong nakatira dito. I never seen them before pero naririnig ko sa mga nakatira dito na nagpapakita daw ito sa kanila. Sa tingin ko nagtatago sila sa ibang lugar dito. And this is the first time na nakita ko silang nanggulo sa bayan,” sagot ng dalaga habang nakatingin lamang ng kalmado kay Leonardo. Pitong taon? Matagal na pala itong naririto. “Gano’n ba? Pwede bang kunin mo akong tagabantay mo katulad ng mga kasama mo kanina?” he asked. Mukhang maglalagi siya dito ng matagal. Pwede niya namang tawagan ang kampo. “I’m sorry. But I hired employees based on their capability and qualifications.” Yes, Ocean is very strict when hiring her people. “I am qualified. I’m a member of the Marine Corps,” saad ni Leonardo. Hindi na niya sasabihin kung anong posisyon niya kaya ito na lang ang sasabihin niya. “How can I know that you are telling the truth?” She doubted with her left eyebrow raising. Kinuha ni Leonardo ang identification card niya at mayroon din siyang suot na dogtag. Mabuti na lang at hindi ito nawala habang inaanod siya ng tubig dagat. He showed it to her. Ocean look at it at mukhang kumbinsido siya pero kailangan n’yang makita ang kapabilidad nito. “Okay, but I have to see your capability. Pag maayos ka na, you will fight one of the guards.” Ganito ang process sa kanila. She needs to see if the person who wants to join their family is strong enough and has dignity and loyalty. Niligpit ni Ocean ang ginamit sa paggamot kay Leonardo. She was about to stand up ng pinigilan siya ni Leonardo hawak ang kanyang kamay. His grip tightened. Ang lambot ng kamay ng dalaga. “Maraming salamat sa tulong mo,” saad ni Leonardo. Ocean glanced at their hands saka tumingin ng diretso sa mata ng lalaki. “I’m glad to help.” Leonardo released his grip at umalis na ang dalaga. He can still feel the warmth of her hand. Nag-iwan ito ng ginhawa sa sarili niya. Even her scent was still lingering around. ----- One week and three days later. Naghahanda si Leonardo para sa laban niya mamaya. Maayos na siya at magaling na. Hindi niya na nakita si Ocean simula ng gamutin nito ang sugat niya, tanging kasambahay na lamang ang tumulong sa kanya. He was disappointed, gusto n’yang makita ito. “Handa ka na?” tanong ni Glenn. Isa sa mga guards ng mansion at ang lalaking nakabantay kay Ocean. Tumango lang siya dito. Glenn pat Leonardo’s shoulder. “Good luck sa’yo pre, medyo halimaw ‘yang si Brandon,” paalala ni Glenn sa kasamahan. He has a feeling na hindi basta basta itong si Leonardo. Tipong sanay na sa combat training. “Tatandaan ko ‘yan.” Sabay silang naglakad palabas patungo kung saan gaganapin ang laban. Leonardo can see many people around waiting to watch their performance. Feeling niya tuloy nasa boxing arena siya. Nakita niya si Ocean na nakaupo lamang sa bandang itaas. Her eyes are staring at him. Bigla s’yang kinabahan. Why? “Show me what you got,” she said without a sound. Tumango siya dito at pumunta na sa gitna. Brandon is already there malaki ang pangangatawan nito. Glenn is the one who is in-charge of the fight ito rin ang magsisilbing referee. “Start!” Mabilis na bumulusok ang kamao ni Brandon papunta sa mukha ni Leonardo. He invaded his punch saka igilanaw ang paa para sipain ito. Brandom immediately withdraw his arms pero masyadong mabilis ang lalaki kaya nasipa siya ni Leonardo. Agad s’yang tumayo at pinaningkitan ang lalaki. Leonardo started to move. Mabilis ang mga paa niya at suntok na sinasalag naman ni Brandon. Brandon saw an open target and he immediately twisted Leonardo’s arm then head locked him. Sigawan ang namayani habang seryoso lamang na nakatingin si Ocean sa dalawa. 'F*ck!' Leonardo cursed inside. Ang higpit ng pagkaka-headlock sa kanya. Iniuntog niya ang ulo sa mukha ni Brandon na nakapagbitaw dito. He immediately turns around and gives him an uppercut and a whirlwind kick. Tumalipon si Brandon habang hawak ang panga. “End!” sigaw ni Glenn. Ang rule ng performance na ito ay kung sino ang unang babagsak ay talo. Dito din makikita ang agility and fast thinking ng isang tao. Maganda ang ipinakita ng dalawa sa laban. Leonardo wipe his sweat at tumingin sa taas. May konting ngiti ang sumilay kay Ocean habang nakatitig sa kanya. He doesn't know why but he smiled at her. “Naks! Ano ‘yon?” Nawala ang ngiti ni Leonardo at kumalma nang tabihan siya ni Glenn. “Wala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD