Kabanata 4

1212 Words
‘Damn it! Did he just get caught?’ Leonardo slowly turns around, and his eyes meet a pair of hazel nut orbs. It was the woman before standing right in front of him. She is wearing a night lingerie na umabot lang sa kalahati ng hita. Kumunot ang noo niya. Did she always wear like this? “Tinatanong kita.” malamig na sambit ni Ocean. Hindi kasi siya makatulog kaya naisipan n’yang bumaba at maglakad-lakad. Pero sinong mag-aakala na makikita niya na may taong nakapasok sa bahay niya? Is this man a thief? “Can you help me?” diretsong tanong ni Leonardo. Tutal huli naman siya kaya mas mabuti na sabihin niya na ang pakay niya dito. Ocean raises her brow. Help him? Hindi niya nga ito kilala at basta na lang pumasok sa bahay niya ng hindi alam ng mga nagbabantay sa labas, tapos gusto lang magpatulong? Hindi siya tanga para basta basta tulungan at pagkatiwalaan ito. “Umalis ka na,” utos niya sa lalaki. Matangkad ito na umabot siguro ng six feet. Hindi niya maaninag ng maayos ang mukha nito dahil sa suot na cap. Humakbang si Leonardo papunta sa dalaga. Hindi naman nagpatinag si Ocean dahil kahit papano ay marunong s’yang depensahan ang sarili. She was calm na nakapukaw ng interest ni Leonardo. Hindi man lang ito humakbang palayo at nakatayo lamang sa pwesto nito. Mga limang hakbang na lang ang pagitan nila. Inalis ni Leonardo ang cap at tinignan ng seryoso sa mata si Ocean. The man has a striking features. His eyes are black, pointed nose, may mole sa cheeks, sharp jaw and thin lips. Malaki ang pangangatawan nito at kita ang ugat sa mga kamay. “I’m Leonardo Sullivan. Napadpad lang ako sa islang ito. Pwede mo ba akong tulungan makaalis?” tanong niya sa dalaga na nasa harap na nakatingin lamang sa kanya. He unconsciously clenched his fist. “Bakit kailangan mo pang pumasok sa bahay na parang magnanakaw kung hihingi ka pala ng tulong?” tanong ni Ocean dito, her lips were twitching. Kung tulong naman pala ang gusto bakit nag-akyat bahay pa ito? Pwede rin namang tulungan ng maayos. “Mahigpit kasi ang bantay mo sa labas, ‘tsaka sabi nila bihira ka lang lumabas ng bahay kaya pumunta na ako dito,” paliwanag ni Leonardo. Baka abutin pa ng ilang buwan bago ulit lumabas ang dalaga. “Pwede kitang tulungan. Bukas na bukas din bumalik ka dito alas otso ng umaga. May chopper na pupunta dito dahil namili si Aling Bebang ng lulutuin at ilang kagamitan sa bahay. May matitirhan ka naman siguro, ‘di ba?” Walang ekspresyon na saad ni Ocean. Naantala na ang plano n’yang maglakad lakad ngayong gabi dahil sa lalaking 'to. Ngumiti si Leonardo na nakapagpalabas ng dimples nito. “Maraming salamat.” Tumalikod na si Ocean at tumaas sa kwarto habang nakasunod lamang ang mata ni Leonardo sa dalaga. Nang masiguro na nakabalik na ito ay umalis na siya sa mansion. ----- Nagising si Leonardo dahil sa isang sigaw. He get up saka lumabas ng kwarto. Nakita niyang nakasilip sina Aling Carmen sa bintana. “Anong nangyayari?” tanong niya na ikinabigla ng dalawa. Dahil focus na focus ito sa bintana at nanonood sa nangyayari sa labas. “Mahahabagin! Nagulat naman kami sa iyo hijo. May ilang kalalakihan kasi ang naghahasik ng ingay sa bayan. Napaka delikado lalo na at may mga armas ito,” nag-aalalang sambit ni Aling Carmen. Paalis na kasi siya para magtinda nang makita niya ang grupo ng kalalakihan na armado. Sumilip si Leonardo at nakita ang mga lalaking may mga armas. Hindi niya tulo’y maiwasang maghinala dahil malakas ang kutob niya na ito ang hinahanap nila. Maya maya’y may pumaradang kotse sa tapat ng mga ito. Mas lalong kumunot ang noo ni Leonardo dahil sa pamilyar na sasakyan. Lumabas si Ocean na nakasuot ng yellow off-shoulder top at dirty white long skirt na umabot sa talampakan ng dalaga. Naka wavy ang buhok nito. Ni wala ngang accessories sa katawan ang dalaga ngunit kaaya-aya ang dating. “Anong kailangan niyo?” kalmadong tanong ni Ocean. May nag-report kasi sa kanya na may nanggugulo sa bayan. Ayaw na ayaw niya sa gulo lalo na't nang makita ang itsura ng mga lalaking ito. Hindi ba nila alam na maliban sa mga armas nila ay nakakatakot din ang itsura nila? Napailing na lang siya. “Sino ka naman? ‘Wag kang makialam dito. Dapat magbayad sila ng buwis sa lupang tinitirhan nila! Kami ang nagmamay-ari ng islang ito!” “Hindi! Si Don Ignacio ang may-ari ng islang ito!” salungat ng isang matanda na si Mang Ed. Noon pa man ay alam nilang ang yumaong matanda ang may-ari ng kalupaan na ito at nagbigay sa kanila ng ilang biyaya. Hindi nila makakalimutan ang mabuting kalooban nito kaya hindi sila papayag na may umangkin ng lupang ito dahil lang sa gusto nila ito. “Jusko si Itay!” ‘di makapaniwalang sambit ni Clara. Baka masaktan ito ng mga lalaking iyon! Malakas ang kabog ng dibdib niya at hindi inaalis ang paningin sa ama. Leonardo glared at those men. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at lumabas ng bahay. “Leonardo saan ka pupunta? Delikado!” Pigil ni Clara sa braso bi Leonardo na paalis. “‘Wag kang mag-alala,” sagot ng lalaki at umalis na. Napabitaw na lamang si Clara sa braso nito habang nakatitig sa likod nitong paalis. Ang lamig niya. “Hindi naman ako na-inform na bago na pala ang nagmamay-ari ng islang ito? Asan ang titulo niyo sa lupa? Pwede ko bang makita?” Ocean sneered inside. ‘Yon ay kung may ipakita silang titulo. Napatigil ang kumakatawang leader ng grupo at napatingin sa kasama. “Anong silbi ng titulo? Sa amin ang lupang ito! Matagal na kaming naninirahan dito. Sino ka ba at masyadong kang pakialamera, hah?!" Tinuro pa ni Tobias, ang leader ng mga armadong lalaki si Ocean. Tumalim ang mata ng dalawang bodyguard sa likod ni Ocean kay Tobias. Subukan lang nilang saktan si Miss Ocean, buong angkan nila ang magdurusa. Humakbang papalapit si Tobias at dinilaan ang labi. Disgusto ang makikita sa mata ni Ocean. “Maganda ka, ikaw ang tipo ko sa babae. Sumama ka kaya sa akin? Paliligayahin kita,” sambit ni Tobias ng nakangisi. Pinasadahan niya ang katawan ng dalaga ngunit may humarang dito. “Hindi ganyan ang trato sa babae,” malamig na singit ni Leonardo. Kanina pa siya nakatayo sa gilid at pinapanood ang nangyayari. May doseng katao ang grupo, lahat may dalang armas. Ocean was slightly shocked to see the man in her front. Tinagilid ni Leonardo ang ulo para makita ang dalaga. “Ayos ka lang?” he softly asked. “Oo,” maikling sagot ng dalaga bago napunta ang paningin sa mga lalaki sa harap. “Sino ka naman?” maangas na tanong ni Tobias nang makita si Leonardo. Pinapatunog niya pa ang daliri na animo handa na lumaban. Sinugod niya ito ng suntok ngunit hindi niya ini-expect ang isang sipa sa tiyan. He was thrown away habang hawak ang natamaan na tiyan. Isang kahihiyan na napatalsik siya nito gamit lamang ang sipa! “Sugurin niyo!” ----- A/N: Welcome to the third series of Heredera!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD