Sa top floor ng NTC, apat tao ang nasa loob ng opisina ng CEO— ang acting CEO na si Mrs. Rodrigues, ang sekretarya nito, si Ocean at si Leonardo. Pasulyap-sulyap ang sekretarya sa binata simula pa noong pumasok ito. Gwapo naman kasi at napakakisig. Mukha ding mabait at ngumingiti sa kanya kapag nahuhuli s’yang nakatitig dito. “Kumalma ka d’yan. Taken na ‘yan,” bulong sa kanya ni Mrs. Rodriguez habang naka-focus ang dalawang bisita sa isa’t-isa. Wala naman sinabi si Ma’am Ocean kung sino ang lalaki so nag-assume sila na kasintahan ito niyon. “Sorry. Ang eye catchy naman kasi, boss. Sila ba ni Ma’am Ocean?” Mrs. Rodriguez shrugged. “Parang.” Kita naman kasi kung paano tingnan ni Leonardo si Ocean, eh. Halatang in love. “What do you think, Miss Vasquez?” baling ni Mrs. Rodriguez sa dalag

