Sa isang bodega sa Maynila, isang lalaki ang nakaupo ngayon sa isang upuan katapat ng isang briefcase na naglalaman ng milyones. “Is this all?” tanong nito at tiningnan ang apat na naglalakihang box na naglalaman ng panibagong armas. Hinimas ni Tobias ang laman limpak-limpak na pera kapalit ng mga armas na iyon. May nakapaskil na ngiti sa kanyang mukha at nagningning ang kanyang mga mata na tila ba ay nanalo na naman sa lotto. “Oo naman! Walang labis, walang kulang,” nakangising reply ni Tobias. “Ah! Bago ko pala nakalimutan, gumagawa na ng hakbang ang mga bantay na iyon sa amin. Nahuli naman ang isa pero matigas, eh! Hindi sinasabi kung saang lupalop ng Pinas ang dalagang Vasquez na iyon! Ikaw, tutal taga-rito ka na lang din naman, ikaw na daw ang bahala.” The man in military uniform c

