CHAPTER 06

1450 Words
HANZ’s POV I'm sitting on the deck of the yacth that I purchased for my friend Zeidhon Callycx Imperial, sipping a bottle of Bowmore 1957 Scotch Whisky that Fritz pledged for this voyage. Hindi kasi siya makakasama sa amin. Madami naman siyang pinadala ng mga iba't-ibang klase ng alak kasi nagmamay-ari siya ng isang kilalang bar in and out of the Philippines. By the way, pupunta kami ngayon sa probinsya na pinag tataguan ngayon ng isa naming kaibigan na si Zeid kasama ng kanyang girlfriend. Actually, hindi naman talaga sana ako sasama dahil gabi na sila nag plano nang pag-alis pero sumama na rin ako dahil sa isang rason kaya ngayon ay halos madaling araw na rin. Kasama ko pa ang apat kong kaibigan na sina Alexander, the owner of Fraz Airlines at madami pang mga private airplanes. Si Wayne, my lawyer friend, Vince, ang may-ari ng isang kilalang gym and Oliver, a simple businessman. Si Wayne ang nagmamaneho ng yate, si Alexander naman ay siguradong natutulog na at 'yung dalawa naman ay hindi ko alam kung nasaan. Kung iniisip niyo na pinagtataguan ko 'yung babaeng nagpunta sa akin kahapon kaya ako sumama rito, well, I'm not gonna lie... tama kayo nang iniisip. Lalo na at naalala ko na talaga kung siya. Naalala ko na rin 'yung nangyari ng gabing 'yon... in details. FLASHBACK I carefully placed her on the bed in the hotel that I booked for her. Since I'm not sure where I can take her, and I don't want to waste any more time for doing that because I'm a little tipsy from the amount of alcohol I consumed earlier at the pub. Nang tatayo na sana ako pagkatapos ko siyang maipatong sa kama ay mabilis niyang hinawakan ang laylayan ng t-shirt na suot ko that cause me to stop from standing up. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya kaya naman agad na nagtama ang paningin namin sa isa't isa. Hindi ko alam pero naibahan ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. Hindi ko mabasa yung sinasabi ng mga mata niya pero parang ang dami-dami naman ng laman non. Sa hindi ko malaman na dahilan, napagawi agad ang paningin ko sa may noo niya. I could clearly see the bullets of sweat dropping from her temple, causing me to swallow really hard. Fuck! That's my weakness. Dahil na rin siguro sa alak na nasa katawan ko at dala na rin sa kalasingan ko kaya naman walang pag-iisip na mabilis ko siyang sinunggaban nang halik. Noong una ay hindi siya lumalaban sa akin ng halik pero makalipas lang ang ilang segundo ay ginalaw na rin niya ang labi niya I could taste the sweet flavor of her mouth and I can say that is a wine flavor. I stuck my tongue out and reach for hers as well. "Hmmm." she moaned in pleasure. At dahil alam ko na kung anong mangyayari sa aming dalawa kaya naman mabilis na akong dumagan sa kanya. Wala akong nakuhang pagtutol kaya naman unti-unti ko nang hinahawakan ang dibdib niya. I caress it while still sucking her tongue that made her moan even more. AWTOMATIKONG napabalik lang ako sa pag-iisip ko nang biglang may tumabi sa akin dito sa deck ng yate na inuupuan lo at inagaw bigla 'yung bote ng alak na hawak-hawak ko. It’s Oliver. Nagsalin muna siya ng alak sa baso na dala niya at saka siya nagsalita, “Big problem?” tanong niya habang nakatingin lang siya nang diretso sa malayo. Magsasalita na sana ako pero muli na naman siyang umimik. "Totoo ba 'yung balita na nakabuntis ka?" Mabilis pa sa kidlat nang agad ko siyang batuhan nang tingin. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang binitawan niya. Hindi ako makapaniwala na alam niya ang tungkol du'n samantalang kahapon ko lang din yun nalaman. “P-paano mo nalaman 'yan?”nagtatakang tanong ko. My brows furrowed while I'm still looking at him, directly. “Ikaw ang naging usapan namin dun sa party ni Zeid na hindi mo pinuntahan.” Walang emosyon na sagot niya. Lalong napakunot ang noo ko dahil tandang-tanda ko na hindi ko pa alam ang tungkol do'n nu'ng mga panahon na tinutukoy niya. Like what I've stated, kahapon ko lang 'yon nalaman. "M-may deliver ako ng sasakyan nu'ng araw na yun, pero hindi ko pa alam ang tungkol sa issue na 'yon." I answered. “It doesn't matter kung kailan mo nalaman... the question is totoo ba?”tanong niya pa at binatuhan niya na ako nang tingin kaya naman agad akong napaiwas sa kanya. “Hindi ko pa alam, hindi pa ako sigurado," mahinang sagot ko sa kanya. "Wait, are you doubting?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin kaya hindi ko naman maiwasan na ibalik na sa kaniya ang paningin ko. Binatuhan ko siya nang nagtatakang tingin. "Shouldn't I?" I asked back. Hindi naman siya agad nakasagot sa tanong ko kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na 'yun para magsalita ulit. "She suddenly showed up in my office yesterday and claimed that I had gotten her pregnant? Hindi ba ako dapat magduda du'n?" Tanong ko pa sa kanya. Napatingin naman siya sa akin nang diretso. "So, that's the reason why you are here and why you came, right? You are hiding from her, "saad niya na naging dahilan kung bakit napatahimik ako. Pero hindi rin naman nag tagal ang pananahimik ko at agad na nakabawi rin ako. Uminom muna ako ng alak bago ako sumagot sa kanya. "Tama lang 'yun." "What?!" singhal niya sa akin na para bang hindi niya inaasahan na 'yon ang magiging kasagutan ko. Pero hindi ko na lang siya binatuhan nang tingin hanggang sa magsalita na naman siya. "Kung talagang hindi mo anak ang pinagbubuntis niya, a hundred percent sure... then hindi mo dapat siya pinagtataguan at tinatakbuhan. Confront her." Fuck! Ano ba talaga ang gusto niyang palabasin? Ang panagutan ko ang babaeng yun? Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin nang seryoso kaya nagsalita na ako, "Look. Kung akala mo ay magpapa-uto ako sa babaeng yun, pwes nagkakamali ka. Hindi lang naman siya ang unang babaeng gumawa non sa akin eh at alam niyong lahat yun. Alam ko na ang mga strategy ng mga babaeng tulad niya, bigla na lang silang susulpot at sasabihin na nabuntis ko sila out of nowhere but in the end ay tumitigil rin sila at nawawala na parang bula. You know why? Because they can't fool me. Kaya maghintay ka lang, titigil din ang babaeng yun sa kalokohang ginagawa niya." I sounded irritated right now because I really am. Tumingin na lang ulit ako sa kawalan dahil ayokong ibunton ang galit ko sa kaniya. Uminom na lang ulit ako ng alak ko habang maya-maya pa ay narinig ko na ang malalim na pagbuntong hininga ni Oliver sa tabi ko. Akala ko ay hindi na siya magsasalita matapos ang ilang minutong pananahimik naming dalawa pero hindi nag tagal ay nagsalita na naman siya. "Pero what if... anak mo talaga yun?" tanong na naman niya. Napalunok naman ako ng laway dahil dun at uminom ulit ng alak. After a second, I answered him. "Ipapalaglag ko." walang emosyon at walang kagatol-gatol na sagot ko, hanggang sa bigla ko na lang naramdaman ang mabilis na paghawak ni Oliver nang mahigpit sa polo ko at saka niya ako pinaharap sa kanya. "GAGO KA BA?!" Galit na galit na tanong niya pero I know him very well- hindi pa siya galit ng lagay na 'yan. Nagpipigil pa yan kaya naman nanatili akong walang pakialam. "Hindi kasalanan nu'ng bata kung ano man ang ginawa niyong dalawa, kaya bakit mo siya idadamay?" I can't help it but to smirk. I grab his both hands at ako na ang nag tanggal nu'n mula sa pagkakakapit no'n sa damit ko. Sinalubong ko ang mga matatalim na tingin niya sa akin. "Kung gusto mo, eh di panagutan mo. Because I’m not going to get into something that I really don’t like, and you f*****g already know that!" I replied strongly and took the bottle of whiskey before getting up and leaving. I am not that stupid para patulan ang ginagawang kalokohan ng babaeng yun. I'm Hanz Del Verde and no one can fool me. May nangyari sa amin? Yes! Pero bakit ko naman papanagutan yun kung kaya ko namang gawin na mawala yun sa landas ko. You can call me anything you want: heartless, coward, or jerk; I don't mind. I'm just a wise person and I won't settle for less. Hindi ako tulad ng iba diyan na basta-basta na lang magpapadala sa mga gimik ng mga babaeng walang magawa sa buhay mga buhay nila. God dammit! Pananagutan? Pananagutan my ass! Hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD