CHAPTER 05

1050 Words
SHY’s POV “Miss, pwede ko bang malaman kung nasaan si Mr. Del Verde?”tanong ko du'n sa babae na nakausap ko rin kahapon dito sa building. Oo na! Nagmumukha na akong desperada at naghahabol sa kanya pero kailangan ko lang talagang gawin 'to. Alam kong kukulitin talaga ako ni kuya na umuwi sa bahay hangga't alam niya kung nasaan ba ako o kung saan niya ako mahahanap. Kaya dapat as soon as possible ay makaalis na ako sa condo ni Awie... at para sa akin, si Hanz Del Verde lang ang makakatulong sa akin sa ngayon. Siya ang ama nitong batang dinadala ko kaya siya lang ang dapat kong lapitan at wala ng iba pa. “I’m sorry Ma’am but Mr. Del Verde is not here," sagot niya sa akin habang diretso siyang nakatingin sa mga maga ko. Ano? Wala raw siya? Paano naman nangyari 'yun? Kahapon lang ay nandito siya eh. Pinagtataguan niya na ba ako ngayon? Well, hindi naman na ako dapat magulat pa, hindi ba? Sa reaksyon niya pa lang kahapon ay alam ko na agad na wala siyang balak panagutan ako. “Ahm do you remember me? Ako 'yung babaeng pumunta rin dito kahapon," saad ko pa at ipinakita ko ulit sa kanya 'yung calling card na nakuha ko kay Hanz Del Verde.“Ako yung VIP Client niya.” Tinanggap naman niya yung calling card at tiningnan yun at saka niya ako binatuhan nang tingin. “Ayy, naaalala ko na nga po kayo Ma’am," nakangiting saad niya sa akin kaya naman napangiti rin ako pabalik bago muling nagsalita. “Is it true na wala dito ang boss niyo?” Mabilis naman siyang tumango- tango, "Yes Ma’am. wala po siyang sinabi na hindi siya papasok ngayong araw, hindi lang po talaga siya sumipot kaya hindi ko po alam kung bakit wala siya ngayon o kung nasaan man siya," magalang na sagot niya. “Would you mind kung kukunin ko ang address ng bahay niya? Bibilhin ko kasi yung brand new car na darating this month, limited stock daw yun kaya ayokong maunahan ako ng iba, so I need to talk to him ASAP.” Syempre, joke lang ang mga sinabi ko. Hindi naman talaga ako bibili ng kotse eh, gaya nang sinabi ko, alam ko na ang mga strategy nila. Alam ko kung paano sila mag-entertain ng mga customers or clients. Bilang isang licensed architech, alam ko na lahat yun. “Ganon po ba? Sige po Ma’am, wait lang po,” sabi niya dahilan kung bakit napangiti ako ng lihim. Sorry kung nagsisinungaling ako pero ito lang talaga ang tanging paraan na alam ko para makausap ko siya. Kailangan namin ng tulong ng baby niya. Maya-maya pa ay hinarap na ulit ako nu'ng babae at saka may inabot na maliit na papel na mabilis ko namang tinanggap. “Yan po ang address ni Mr. Del Verde pero hindi po ako sure kung nandyan siya.” Sunod-sunod na pag tango na lang ang ginawa ko saka mabilis na nag-thank you sa kanya bago tuluyang umalis. Gold Palace Village. "Teka, sa Teltor road 'to ahh." Nasambit ko na lang ang mga kataga na 'yon sa sarili ko habang palabas ng building at habang nakatingin ako doon sa papel. Saktong paglabas ko naman ay may dumaan na isang taxi kaya mabilis ko naman 'yung pinara. Sinabi ko kaaga sa driver kung saan ang destinasyon ko kaya nagmaneho na siya agad. Ngayon ay nakatingin lang ako sa labas nitong bintana ng sasakyan nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Awie's Calling... Wala sana akong balak na sagutin ang tawag niya pero sigurado ako na mag aalala siya sa akin ng sobra kung gagawin ko 'yon. Napabuga na lang ako nang malalim na hininga bago ko sinagot 'yon nang tuluyan. “Hello?” [Nasaan ka ba? Bakit hindi ka man lang nagpa-paalam sa akin kung saan ka pupunta? Sobrang nag-aalala ako sayo.] sunod-sunod na sabi niya at base sa tono nang pananalita niya ay alam kong nag-aalala nga siya. “I’m sorry. Madami lang akong kailangang gawin ngayon... nang mag-isa.” [Ano ba 'yang sinasabi mo? Hindi mo pwedeng pagurin at sagarin ang sarili mo dahil may baby ka na.] “Alam ko, mabilis lang ako at babalik na rin ako diyan. Okay? Bye.” At hindi ko na nga hinintay pa ang isasagot niya dahil mabilis ko na ngang pinatay yung tawag. Nang itatago ko na ulit sana yung phone ko sa shoulder bag ko, agad na nag-ring na naman 'yun. Buong akala ko ay si Awie ulit 'yon... but this time, si Ginno na ang tumatawag. Ginno’s Calling... Napabuga na naman ako nang isang malalim na paghinga. Sigurado akong pinatawag siya sa akin ni Kuya or maybe si Dad pwede rin naman na si Mom. Hays! I pressed the answer button, obviously... napipilitan lang ako. “Hello.” [Didiretsuhin na kita Shy, kailangan mo nang umuwi. Kailangan mo nang bumalik dito as soon as possible para makalipad na tayo papuntang ibang bansa.] “Matagal ko nang sinabi sayo ang sagot ko diyan Ginno, I’m not. Going! ”I answered firmly. [Please, we're begging you.] “And I’m begging you too, don't make me choose.” [What? And what do you mean by that?!] halata sa tono niya ang pagiging iritable. [Sa tingin mo ba ay wala ka pang pinipili sa ginagawa mong yan? I’m telling you... YOU MADE THE WRONG CHOICE!] “Pero ang mali na sinasabi mo ay ang pinakatama para sa akin!" At hindi ko na nga maiwasan na maiwasan na magtaas ng boses kay Ginno at saka mabilis na pinatay ko na 'yung tawag. This time, pati na rin ang mismong cellphone ko at shinut-down ko na para wala nang tumawag pa sa akin. Parang gusto ko na namang umiyak pero pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako at parang ubos na rin ang luha ko para gawin pa 'yon. Nakakapagod na. Parang gusto ko na lang bumigay pero alam kong hindi ko na 'yon pwedeng gawinngayon sapagkat kailangan ko na ring alalahanin at isaalang-alang ang kapakanan at kalagayan ng bata sa sinapupunan ko. Kailangan kong maging matatag...kahit na hindi na para sa sarili ko, kung hindi kahit para na lang sa kaniya. 'Yun na ang bagay na kailangan kong itatak sa isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD