Chapter 4

2037 Words
Sa bawat pagyaya ni Enric sa kaniya ay hindi niya tinatanggihan. Gusto niya kasing maging komportable dito kaya naman mas lalo niyang nakikilala ang binata. Taliwas pala ang ugali nito sa mga naririnig niya. Enric is a caring friend. He's sweet, gentleman and jolly. Kahit sino ay hindi mahihirapang mahalin ang isang tulad nito. Naipilig niya ang kaniyang ulo. Wait! Is she falling for him? Well it's not that hard to, but something is guarding her. Her heart never fails to compare Enric to his twin brother Eric. Madalas din niya kasing kausap sa phone si Eric at madalas pa ay pagkatapos talaga ng show nito sa radyo. Napapansin din niya ang madalas na pag-aasikaso ni Enric kay Rixie. Iba iyon sa treatment nito kay May at maging sa kaniya mismo. Normal na sweet si Enric at caring, pero mas naipapakita nito iyon kay Rixie. Is there something going on that she doesn't know? So, what if kung meron nga? Anong gagawin niya kung ganoon? Ipapatigil niya ba ang preparasyon ng kanilang kasal? Is she going to ask Enric about it? What if mali naman siya ng akala at gumagawa lang siya ng rason para kumawala sa kasunduan? Sa dami ng tanong ay hindi na niya namalayan na nasa tapat na pala sila ng kanilang gate. She glanced at him and smiled. "Thank you again, Enric." He smiled back. Kitang-kita ang maaliwalas na mukha nito at hindi napipilitan lang. "My pleasure, princess." nahiya naman siya sa endearment nito sa kaniya. "I'm not a princess, Enric. But anyway, I need to go. Thanks again." isang malambing na ngiti ang pinakawalan niya at umamba ng bababa ng kotse ni Enric. "I'm sorry, Joy." natigilan siya sa sinabi nito. Nilingon niya ito at kita niya ang paglungkot ng mukha nito. "Don't worry, it'll be okay soon." mas lalo siyang naguluhan ngunit parang hindi na gustong ipaliwanag pa ni Enric ang ibig nitong sabihin. Hindi na lamang siya nagtanong at dumiretso na lamang siya sa paglabas ng sasakyan. Nakapagbihis na siya't lahat ay nasa isipan pa rin niya ang mga huling sinabi ni Enric. Maaari kayang tama ang kaniyang hinala? Pero bakit ito pumayag sa arranged marriage? Hindi ba ito marunong tumanggi sa mga magulang? Bigla niyang naalala ang sinabi ni May nang una niyang makilala ang mga ito. College pa engaged si Enric? So Highschool pa siya noon. Ibig bang sabihin ay...? Sa lalim ng iniisip ay nagulat tuloy siya nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Si Eric. Heto na naman ang puso niya. Magkakasakit pa yata siya sa puso dahil kay Eric. Naging regular na itong caller niya pero hindi pa rin siya masanay-sanay. Dalawang araw nga lang itong hindi nakatawag pero aaminin niya na miss na niya ang boses nito. "H-hello?" muling bumalik ang kabog ng dibdib niya kapag kausap niya ang binata. "Why sound nervous? Wala pa naman akong sinasabi. Did Enric told you something bad about me?" nahimigan niya ang kaunting tampo sa boses nito. Bigla naman siyang na-guilty. Bakit nga ba at sa tuwing kausap nalang niya ito ay kinakabahan siya? Hindi niya mawari kung takot ba o excitement ang kabang nararamdaman niya. "I'm sorry. Walang kinalaman si Enric dito. Hindi lang kasi ako komportableng..." hindi niya maituloy ang kaniyang sasabihin. Tahimik lang din naman si Eric sa kabilang linya. "So, you're not comfortable talking to me." he said, it is not a question but a statement. At kasunod niyon ay isang buntong-hininga. Masisisi niya ba ito kung tumigil na ito sa pagtawag sa kaniya pagkatapos ng tawag na ito? "It's not what you think, Eric." bigla naman siyang nangamba. "Really? I just want to hear your voice again just so I won't miss you badly." naguluhan naman siya sa sinabi nito. "W-what do you mean?" "I got addicted to your voice. Pakiramdam ko ay hindi ako makakatulog ng maayos kapag hindi ko narinig ang boses mo kahit sandali lang. I know it's not right because you are my brother's fiancée but I can't stop it. That's why I didn't call you for days. But as you can hear me now, I can't take it because I missed your voice and I am now going crazy. Believe me I don't want this to happen. I am not ruining your relationship with my brother. I just want to hear your voice." She can hear the frustration in his voice. Hindi ba at siya ang adik na adik sa boses nito? Matagal na siyang humaling na humaling sa magandang boses nito sa radyo. Kaya siguro kabado siya sa tuwing kausap niya ito dahil crush niya nga ito kahit sa boses lang. Pero ang nararamdaman niya ngayon ay iba na. Mas malalim na at natatakot siya. "Am I that bad if I tell you to stop missing me? Dahil alam natin pareho na mali ang nararamdaman mong iyan." At pati na rin ang nararamdaman ko para sa'yo. Piping sambit na lamang ng isip niya. Ito lang ang alam niyang paraan para mailigtas ito at ang kaniyang sarili. Dinig niyang muli ang malalim nitong pagbuntong-hininga. "I know it is really crazy. But...can I at least see you before I leave the country?" Wait! Aalis ito? So plano na rin nitong umalis? "Leave? Y-you're not going to attend the wedding?" bigla naman siyang nabahala. Bakit parang ayaw naman niya itong umalis ng tuluyan? Nababaliw na yata siya. "I guess? Sa konting panahon na nagkasama kayo ng kapatid ko, mukhang nahulog na agad ang loob mo. He is a jerk for he isn't careful with his actions. Kaya madaling..." he cut his words off. Oo, madali ngang mahalin si Enric, but her heart says the other way around. Aminin man niya o hindi, sa ibang lalaki siya nahuhulog. "When and where?" sabi na lamang niya para pagtakpan ang totoong nararamdaman niya. "I'll fetch you tomorrow night. I hope hindi ako nakakaistorbo? Baka may lakad kayo ni Enric?" nahimigan niya ang tuwa sa boses nito. Nakaramdam din siya ng tuwa dahil doon. "I am free tomorrow night." magaang sambit niya. Nakangiti na siya na akala naman niya ay makikita ng nasa kabilang linya. "Great. I guess I need to make this goodbye as my best memory for now?" natawa naman siya sa sinabi nito. "This is not a goodbye, Eric. You are the best man at hindi namin ipapabago 'yon." Seryosong sabi niya. "Fine! As you wish, my princess." hindi siya nailang sa endearment na ginamit nito. Bakit nang si Enric ay naiilang siya? Kinaumagahan ay masaya siyang dumulog sa hapag. Nagulat pa ang kanyang kuya Juri. Sandali lang niya itong sinulyapan at itinuon nang muli ang pansin sa mga pagkain. Habang kumakain ay ramdam niya ang titig ng kapatid. "Problem, Kuya?" tanong pa niya dito nang sandaling mag angat siya ng tingin dito at muling bumaling sa pagkain. Ngayon lang kasi siya maganang kumain. "Are you sick?" tanging sambit nito at umiling naman siya. "I'm just retrieving the old me. Sanay ka na ba sa mukhang zombie mong kapatid?" tumawa pa siya na ikinailing nalang ng Kuya Juri niya. "Just make sure hindi ka na ulit babalik sa pagiging zombie." bilin nito at tinapos na ang pagkain. Humalik pa ito sa kaniya bago umalis sa hapag. Napangiti siya. It's an inspiration. Her family. The way they love her. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Ibang klase nga lang magmahal ang kaniyang daddy but still, he cares for her. Matapos niyang kumain ay dumiretso siya sa kaniyang gallery. Binuksan niya ang kaniyang hindi matapos-tapos na canvas at muli itong tinitigan. Bakit hindi niya ito mabigyan na mukha? The body was perfect. All she needs is the perfect face for it. "Soon, magkakaroon ka din ng katauhan. Hindi pinipilit ang mga may damdaming obra kaya hindi ko ipipilit ang sarili ko na tapusin ka agad." pagkausap niya sa canvas na parang isang tao lang. She let her fingers linger the canvas. Every line of the painting, every part of it. Parang may munting init siyang naramdaman sa kaniyang puso nang dumako ang mga daliri niya sa mukha. May imaheng pumapasok sa isipan niya ngunit naguguluhan pa rin siya. "I just need more time." sambit niya sa sarili at muli ng tinakpan ang canvas. The feeling. She felt it again. But, how could that be possible? Naramdam niya iyon nang magkausap sila in person ni Eric. At ngayon, sa painting. Wala pa itong mukha pero bakit ganoon? Paglabas niya ng kanilang bahay ay nakita niya agad ang nakaparadang ducati scrambler. Hindi siya inosente sa mga sasakyan dahil minsan na niyang naging tema ang mga iba't-ibang uri ng sasakyan sa kaniyang exhibit. And this one was once fascinated her imagination. Na what if one day, she'll ride one of those. Pero ang suot niyang damit ay hindi akma sa sasakyan ni Eric. Ni hindi man lang siya nagtanong kung ano ang sasakyan nila. Natawa siya sa sarili at lumapit dito. "Hindi ko alam. Sana hindi na ako nag-dress." aniya dito imbes na batiin ito. Naka floral dress siya na kulay dilaw pa. Sabagay, akma sa panahon dahil summer na. "No problem. Hindi ko din naman sinabi na ito ang dadalhin ko." Nakangiting sambit nito. This is the first time she saw him smile. Sabagay, pangalawang beses palang naman niya itong nakaharap pero ang pakiramdam na matagal na silang magkakilala ay naroon. She feels safe. "So, how will...uh,.." hindi niya alam tuloy kung paano siya pupwesto sa big bike nito. Natawa naman ito. Mukhang naaaliw pa ito sa kaniya. Well, better. At least hindi ito bored sa kaniya. "Let me." anito at nilapitan siya saka iginiya sa likod ng big bike. Sinabi nito kung paano siya uupo. Hindi din naman siya papayag na buhatin siya nito para lang makaupo samantalang hindi naman mataas ang uupuan niya. Matapos niyon ay iniabot na nito sa kaniya ang helmet. She nod and smiled at him. "Sorry, this is my first to ride in a...uh..." teka nga, bakit ba siya nawawalan ng salita? "Don't worry, I'll slow down. Until you'll comfortable with the ride." anito bago tuluyang sumampa. Nang in-on nito ang engine ay namangha pa siya sa tunog. All her research is right. Exciting ang ride niya. Kung kanina ay nahihiya pa siya kay Eric ngayon ay excited na siyang maranasan ang sumakay sa motorsiklo. At hindi basta simpleng motorsiklo. It is a Ducati Scrambler. A big bike. "I'm ready." natatawa niyang sabi. Hindi niya alam kung dahil sa excitement sa pagsakay sa motor o dahil si Eric ang kasama niya. O baka naman pareho? Mas lalo siyang natawa sa sarili. It's just a friendly date. "You're giggling. Why?" tanong nito, hindi pa tuluyang pinapasibad ang sasakyan. "Huh? Ah, I'm just excited for the ride." walang halong birong sambit niya at isinuot na ang helmet. "Right. Of course. Hold on tight." Anito sabay maniobra. Hindi naman siya napatili sa pag-arangkada nito. It was a smooth ride for a big bike. Pakiramdam tuloy niya ay nakalaya siya sa hawlang kinalalagyan niya. Masarap palang maranasan ang mga bagay na sa panaginip lang niya nakakamtan. Riding a big bike was one of her wildest dream. Mula pagkabata kasi ay sinanay siya ng kaniyang pamilya na prim and proper dapat. Puro mga sosyal na party ang napupuntahan niya at hindi pa niya nararanasan ang makapunta man lang sa isang bar. Ay, meron palang isang beses na nagpunta siya sa isang bar, but still, may class pa rin ang resto bar na pinuntahan nila ng kaniyang Kuya. Nangulit lang siya noon na sumama dahil bagot na bagot na siya sa bahay nila. Mabuti at napapayag niya ito. At least hindi naman siya inosente sa isang bar. She was enjoying the view, it's almost sunset at nakapagbigay pa iyon ng mas magandang kulay sa mga nadadaanan nila. Alam naman niya kung saan siya nito dadalhin. It's just outside of the city of Metro Manila pero sa Rizal lang. Sa Pililia, Rizal kung nasaan ang mga Windmills na katulad nang sa Ilocos. Mas maganda sana kung tanghali kaso masakit sa balat kaya mas okay na rin na papalubog na ang araw. Hindi tuloy niya namalayan na komportable na siyang nakayakap sa likod ni Eric. Well, it doesn't matter now as long as she's comfortable with it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD