Chapter 2

1996 Words
Matagal na hindi nakatulog si Ligaya nang dahil sa natuklasan tungkol sa kaniyang mapapangasawa. Is that really Enric she met? Pero ang inaakala niyang ugali ni Enric na alam niya ay hindi niya nakita sa mga sandaling nakasama niya ito. ‘Yon ang tinatawag na pagbabago.’ Biglang sabat ng isip niya. Naipilig niya ang kaniyang ulo. Bakit ba big deal masyado ngayon sa kaniya na sa wakas ay tuluyan na niyang nakadaupang palad ang lalaking itinakdang maging asawa niya? Is she attractive to him? ‘Why not? He’s handsome and sexy.’ Muling sabat ng isip niya. Natakpan niya tuloy ang kaniyang tainga. “Ugh! No! Hindi pwede. Once a playboy, always a playboy.” Aniya sa sarili at nagtalukbong nalang ng comforter. Na hindi din naman nakatulong upang makatulog siya. Dahil nag-expect siya ng tawag mula sa lalaki na hindi naman nangyari. Disappointed siya pero hindi niya iyon inaamin sa sarili niya. Hanggang sa nakatulugan na lamang niya ang kaguluhan ng isip. Late tuloy siyang nagising kinabukasan. Hindi pa nga sana siya magigising kung hindi lang nag-iingay ang kaniyang cellphone. At sino naman kayang herodes ang nang-iistorbo sa masarap pa sana niyang pagtulog? “Hello?” pupungas-pungas pang sambit niya nang hindi man lang siya nag-abalang tingnan kung sino ang tumatawag. “Pasensiya na sa pang-iistorbo sa pagtulog mo, Ligaya Mora pero kailangan nating magkita ngayon. Bumaba ka na sa kwarto mo at nandito na ako sa sala.” Dere-deretsong sambit ni Ilaya sa kabilang linya. Tanging ito lang naman kasi ang tumatawag sa kaniyang buong pangalan maliban sa kaniyang mga magulang at kapatid. “Why don’t you just come here?” tamad na sambit niya dahil inaantok pa talaga siya. “I’m in a hurry, Ligaya. Come on, don’t make me wait. Nandito ang kuya Juri mo. Alam mo namang ayaw na ayaw kong nakikita ang pagmumukha ng seryoso mong kapatid.” Anito. Nai-imagine na niya ang nagmamaktol na mukha ng kaibigan. At oo, inis na inis ito sa Kuya niyang si Jude Rikael o Juri, dahil hindi man lang daw ngumingiti ang kapatid niyang iyon. Mabuti pa daw ang bunsong si Will Ivan na napaka-approachable. Ngumiwi na lamang siya bago parang zombie’ng bumaba sa kama. Nagsuklay siya at inayos ng bahagya ang suot na damit bago tinungo ang banyo. “Fine, just give me a minute. I’ll just wash my face. Nakakahiya naman sayo at baka kung ano pa ang masabi mo.” She just rolled her eyes when she heard her friend said “okay” and end the call. Pagbaba niya ay nakita niyang magkaharap na si Ilaya at ang Kuya Juri niya. Kung nakakamatay lang ang masamang titig ay baka bulagta na ang kapatid niya sa titig ng kaibigan. Samantalang ang kapatid niya ay walang pakialam sa kaibigan. Seryoso lang itong may kung anong dinudutdot sa laptop nito. Ewan ba niya kung bakit sa sala pa ito nagta-trabaho at hindi sa silid nito. Tumikhim siya at agad na napatingin sa kaniya si Ilaya. Marahas itong tumayo. “Here. Iiwan ko sayo ang mga ito.” Sabay abot sa kaniya ng mga hawak na envelope. Nagtataka man ay kinuha naman niya ang mga iyon. “Is this for what?” kunut-noong tanong niya. “Naglalambing ang Mommy. Samahan ko daw muna siya sa Singapore kahit one month lang daw. You know, Dad is always away dahil sa business. Ayon, nagda-drama si Mommy. So, ako naman dahil likas akong mapagmahal, iiwan muna kita sa Ilaya Arts at nang hindi na tumawag ng paulit-ulit si Mommy.” Mahabang sambit nito na hindi naman nasagot ang tanong niya kaya naman binuksan na lamang niya ang isa. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. “What the…Bakit mayroon ka na nito? Hindi pa ngayon ang kasal ko.” Aniya. Sample invitations pala ang mga iyon na si Ilaya ang gumawa. Mamimili na lamang siya ng design kung ano ang babagay sa magiging theme nila. Doon magaling si Ilaya. Sa pagde-design ng mga invitations, brochures, etc. May negosyo din itong photo studio at isa rin itong event organizer kaya naman hindi niya masisisi ang Mommy nito na hihiramin na naman nito ang kaniyang kaibigan dahil hindi na nga nito talaga nakakasama si Ilaya. “Wala pa ngang usapang nagaganap.” Muling sambit niya. Ang kaibigan naman ang nanlaki ang mga mata. “Huuwaaaattt!?” exaggerated na reaksiyon nito. “Tinawagan ako ni Tita Ivanna. Sabi niya magbigay daw ako ng mga sample para sa invitations.” Napaupo siya sa sofa. Para siyang nanghina sa narinig. When was her wedding anyway? Well, wala na nga pala siyang magagawa doon dahil pumayag na din siya. At malamang nga na ang mga magulang na nila ang mag-aayos ng kasal. Props nalang sila ni Enric. “Anyway, I gotta go. When you visit the gallery, please, make sure may idadagdag ka na.” anito at nagmamadali ng bumeso ito sa kaniya at agad ng binirahan ng alis. Ni hindi pinansin ang kuya niyang wala din naman pakialam sa kaingayan nila. “Kuya Juri. May galit ka ba kay Celene Ilaya?” hindi na siya nakatiis na tanungin ang kapatid. Doon lang bumaling ang kapatid sa kaniya. Poker face ito. At hindi na iyon bago dito. “Why would I? Should there be a reason to be mad at your friend?” walang emosyong balik tanong nito sa kaniya. Napalabi na lamang siya. Ano pa nga ba ang aasahan niya dito. Bumuntong-hininga na lamang siya bago siya tumayo. “Oo nga naman. Sige. Maiwan na kita diyan.” Saglit pa niya itong tiningnan bago tuluyang pumanhik sa kaniyang silid at balik na naman ang atensyon nito sa laptop. Ipinilig na lamang niya ang kaniyang ulo at hindi na inintindi pa ang kapatid. Dati naman na kasing ganoon ito. Pagbalik niya sa kaniyang silid ay saktong tumutunog iyon. Sino na naman kaya ang tumatawag? Baka si Ilaya ulit at may nakalimutang ibilin sa kaniya. But when she checked her phone, it was from an unkown number. Agad naman niyang sinagot ang tawag. “Joy Mora speaking.” Nakasanayan na niyang iyon ang bungad kapag unknown number ang tumatawag dahil baka client iyon. “Hmmm…Joy, I thought you’re Ligaya.” Anang baritong boses kasunod ng mahinang halakhak. She knows that voice. Saan nga ba niya iyon naririnig? Tama! Siya nga. DJ kasi ito sa isang sikat na radio station. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. “Heart, what’s the matter?” tanong niya ng lihim sa kaniyang sarili. “E-eric?” she’s not sure. Baka naman kaboses lang. “Do I sound like my brother?” ewan niya pero bakit parang ramdam niya ang ngiti nito kahit naman hindi niya ito nagsasalita. “Enric?” “U-huh? Good morning.” Nag-iba na naman ang t***k ng puso niya. Mas bumilis pa ang pintig nito. Why? Parang hindi naman niya naramdaman ito nang magkasama sila kahapon. “Why did you call?” tanong na lamang niya at bahagya siyang tumikhim upang kalmahin ang kaniyang sarili. Naupo siya sa kaniyang kama. “Are you expecting my call last night?” imbis na sagutin siya ay isang tanong din ang ibinato nito sa kaniya. Ano ba’ng trip nito? “Why would I?” magpapalitan na lamang ba sila ng mga tanong? Narinig niya ang pagak nitong pagtawa. “I was with Eric last night. I’m sorry I didn’t call you.” Napalabi siya sa sinabi nito. Oo nga at umasa siyang tatawag ito kagabi. Pero hindi naman nito obligasyon na ipaalam sa kaniya ang lahat ng gagawin nito dahil lang sa fiancé na niya ito. “You don’t have to tell me that. Wala kang obligasyon sa akin.” Analang niya dito. Pero natutuwa naman ang kalooban niya dahil sa sinabi nito. “I have to. Let’s try. To make it work.” Bumigat na naman ang paghinga niya. Bakit tila nagkaroon na siya ng hypertension? At nagsimula ito kaninang tumawag si Enric. Natawa naman siya. Kilala niya si Enric. Pero sa tono ng boses nito ay parang seryoso ito sa sinasabi. “Fine. You are not against the marriage. But, what if it didn’t work? Are you going to sacrifice your freedom?” wala na siyang narinig na sagot mula rito. Akala nga niya ay nawala na ito sa linya. Ngunit nang tingnan niya ang kaniyang cellphone ay naroon pa naman ito. “Anyway, I gotta go. May gagawin pa ako ngayong araw.” Analang niya. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ang nasa kabilang linya at agad na niyang in-end ang tawag. Ngunit hindi pa man niya nailalapag ang cellphone sa bedside table niya ay muling may tumawag. Nakita niyang numero pa rin ni Enric ang tumatawag. “ He…” hindi pa man niya natatapos ang kaniyang salita ay nagsalita na ang nasakabilang linya. “Can I visit your gallery today?” muli na namang nag-rigodon ang puso niya sa pagtibok. “Huh? Ah, ikaw. Bahala ka.” Iyon lang ang nasabi niya. “I’ll bring the group. Don’t worry.” Anaman nito. Medyo nabawasan ang bilis ng pintig ng puso niya dahil doon. Bakit tila ayaw yata niyang makasama ito ng solo? Naipilig na lamang niya ang kaniyang ulo nang mawala na si Enric sa kabilang linya. When was the last time her heart beats like a racing car? Parang hindi naman niya matandaan. O kung nakaramdam na nga ba siya ng ganoon. “Bro, common. Sama ka na.” pagkababa niya ng kaniyang cellphone niya ay siya namang paglabas ng kakambal sa banyo. Umiling siya at ngumiti dito. “Nah! May lakad ako.” Palusot niya. Wala naman talaga siyang lakad ngayong araw. “Saan? Sa puntod ni Jarissa?” sa narinig ay tuluyan na siyang nawalan ng ganang lumabas ng kaniyang condo. Jarissa was their little sister. Namatay ito sa isang car accident dahil tinangka nitong tumakas sa mga magulang. Balak kasi itong ipakasal sa anak ng kaibigan ng mga magulang nila. Sa araw mismo ng kasal ng mga ito ay umalis ang kapatid nila. Buong araw nila itong hinanap kung saan ito nagtungo ngunit isang tawag nalang ang natanggap nila mula sa mga pulis at sinabing nasangkot nga sa isang car accident si Jarissa. He was devastated that day. Close sa kaniya si Jarissa. Lahat ng mga sentimiyento nito sa buhay ay ino-open up nito sa kaniya. Kaya naman galit na galit siya noon sa mga magulang dahil sa ginawa ng mga ito. Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang sakit sa puso niya ngunit naghilom na ang sugat. Alam niyang tahimik na ngayon si Jarissa. “Uuwi ako kina Lolo.” Sagot nalang niya para hindi na humaba pa ang usapan nila ng kapatid. It is half lie and half truth. Bago siya pupunta sa bahay ng abuelo at abuela ay may dadaanan muna siyang tao bago siya tutuloy sa mga ito. Nagkibit naman ng balikat ang kapatid bago dumiretso sa closet at nagbihis. May mga damit na ito doon dahil madalas nga itong makitulog sa kaniya. Malamang ay dahil nagtatago sa mga babaeng fling nito. “You should meet Joy. She’s lovely.” Bigla nitong inilabas ang ulo mula sa pinto ng closet. “Don’t worry, makikilala ko din naman siya sa kasal niyo.” “Are you gay, bro?” natatawang sambit nito. Napailing nalang siya sa tinuran nito. “Just leave me alone here and go to your fianceé. You should spend more time with her. Not with that girl…what’s her name again? Rixie?” Nag-iba ang timpla ng mukha ng kapatid. “Just, shut up.” Natawa naman siya sa reaksyon nito. It was her, still. His brother’s one and only love interest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD