GABRIEL Three years later… “WHY don’t you stay for a while, Gabriel?” sabi ni Leticia habang hubo’t hubad na nakahig sa kama. Sa lahat ng babaeng naka-fling ko sa loob ng tatlong taon ay siya itong pinaka-liberated at wild. Walang makikitang kahit kaunting pagkailang sa kaniya kung gano’n man ang ayos niya habang nakikipag-usap sa akin. “Kailangan ko nang umuwi. Maaga pa ang pasok ko bukas,” walang emosyon na sagot ko bago ako bumaba at hinagilap ang aking mga damit na nagkalat sa sahig. Ganito na ako kung makitungo sa bawat babaeng nakakasama ko sa kamaa kapag humupa na ang init na nadarama ng aking katawan. “I have an important meeting with the board.” Ni hindi ko sinulyapan si Leticia habang nagbubutones ako ng aking polo long sleeve. Though, I know na hinahagod niya ako ng nang-aa

