GABRIEL “MASAYA ako na sa wakas, naisipan mo na ring bumalik sa poder ko, Gabriel. Te extraño, hijo,” I miss you, son. Niyakap ako ni Daddy nang salubungin niya ang pagbabalik ko rito sa mansiyon niya. Ramdam ko ang totoong pangungulila niya sa akin pero tumango lang ako at nanatiling seryoso. Hindi ko naman inilihim sa kaniya ang totoong dahilan ng pagpunta ko rito. And it doesn’t mean na napatawad ko na siya sa mga nagawa niyang pagkakamali. “At masaya rin ako na pinagbigyan mo kami ni Gabriel na sumama dito, Dad.” Hindi niya pinansin ang kalamigan ko at sa halip ay binalingan si Lolo Emman na kasama kong dumating. Hindi ko maatim na iwanan siyang mag-isa sa Pinas kaya ginawa ko ang lahat para makumbinse ko siya na sumama rito. “Bienvenido, Papi!” Welcome back, Dad! Matagal din naman ka

