GABRIEL PARA akong baliw na sinusuyod ang bahay nina Arabella dito sa Bacolod kahit ilang beses nang sinabi sa akin ng caretaker na simula raw nang umalis mag-anak papuntang Laguna para sa kasal namin ni Ylona ay hindi na nakabalik ang mga ito. Kahit sa bahay ng aking dating kasintahan ay wala na ring katao-tao. Abandonado na rin ang bawat bahay ng iba pang kamag-anak nila na kasama sa sindikato. “Bakit ba dito mo hinahanap si Arabella, bro? Bago ka nabaril noon, alam mo naman na si Magnus ang kumuha sa kaniya, ‘di ba?” parang nababaliw na saway na rin sa akin ng best friend kong si Luigi. Kanina pa siya pasunod-sunod sa’kin. Bawat sulok na hinahalungkat ko ay nakasunod siya at pinipigilan ako. “Baka makasuhan pa tayo nito ng trespassing, eh.” “Eh, ‘di kasuhan nila ako. Mabuti pa nga an

