MAKISIG “TAY, what happened? Bakit ho hindi kayo dumating? Ang sabi n’yo sa’kin tutulungan n’yo kami sa laban namin sa Magnus na ‘yon?” sunod-sunod na tanong ko sa aking ama na si Tatay Bernard nang makarating kami rito sa bahay pagkatapos nila akong iligtas sa labanan at dinala namin sa ospital si Gabriel. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ipinapaliwanag sa akin kung bakit huli na sila dumating kung kailan ubos na ang mga kasamahan ko at nakaalis na si Magnus, kasama si Arabella. Simnula pa kanina, silang magkakaibigan ay tahimik lang at daig pa ang namatayan. Kung tutuusin, ako ang dapat na nagkakaganito dahil halos lahat ng tauhan ko ay namatay. At fifty-fifty pa si Gabriel ngayon. “May nangyari po bang masama, Ninong A? Kasi ngayon lang ‘to nangyari, eh. Ngayon lang nangyari na may

