Chapter 5: Ang Obsession ni Saion

1273 Words
Chapter 5: Ang Obsession ni Saion Written by CDLiNKPh NAGPUNTA si Saion sa Phoenix Bar and Grill para magpakalasing. Kabi-kabila ang mga babaeng nakapulupot sa kanya pero wala siyang pakiaalam dahil nagpunta lang naman siya roon para uminom at mag-alis ng sama ng loob. Hanggang ngayon ay alam niya na ayaw pa rin sa kanya ni Nikki. Patunay lang na hindi nito ninais na makipagkita sa kanya at sa halip ay nagpunta pa ito sa boyfriend nito. Naging loyal siya rito kahit nasa ibang bansa siya pero ito ay pinagpalit na siya sa ibang lalaki! "Oh, pare, problema mo? Nakita mo na ba ang prinsesa mo?" pagbibiro ni Arnold. Ang nag-iisang kaibigan ni Saion sa lugar na iyon dahil tanging ito lang ang nakakatiis sa ugali niya. "Hindi, Arnold! Alam mo ba kung bakit? Dahil nakipagkita siya sa lalaki niya na nagtitinda lang daw ng isda sa palengke! Ipinagpalit ako ni Nikki sa isang hampaslupa at malansang lalaki!" Tinungga ulit ni Saion ang alak na iniinom nito. Nakaramdam naman ng awa si Arnold kahit papaano para sa itinuturing na kaibigan. Kahit na masama ang ugali ni Saion ay alam niya na mahal talaga nito si Nikki. Ang problema nga lang ay ni hindi naman ito boyfriend ni Nikki para umarte ito ng ganoon. Pero hindi naman niya iyon masabi ng diretso rito dahil siguradong sasapakin lang siya nito. Dahil feeling yata nito ay pag-aari na nito ang babae. "Bakit kasi hindi mo na lang siya kalimutan, pare? Marami namang babae riyan na magaganda rin naman. Matatalino at mayayaman ding katulad mo. Maraming babaeng nagkakandarapa sa iyo kaya huwag kang magpakabaliw dahil lang sa iisang babae dahil malawak ang mundo." Akmang aakbayan ni Arnold ang kaibigan pero itinulak pa ito ni Saion. Dahil doon ay natakot tuloy ang mga babae at umalis ang mga ito. "Hindi! Hindi ako makapapayag na mawala siya sa akin, naiintindihan mo? Kung kinakailangang pahirapan ko ang mga taong mahalaga sa kanya ay gagawin ko para lang mapilitan siyang magpakasal sa akin. Dahil kung hindi siya papayag ay mapipilitan akong tanggalin ang lahat ng yamang tinatamasa nila ngayon!" pagsigaw nito. Natameme siya. Pero maya-maya ay pinilit na magpakalma. "Hey, Saion. Relax ka lang, okay? Kung mahal mo talaga si Nikki, then fine. Hindi na ako magsasalita. Mukhang wala ka namang kakakayahang magmahal ng ibang babae bukod sa kanya, e." Naiiling na nilapitan na lang niya ang kaibigan at naupo sila ulit. Kumalma na ng kaunti si Saion. "Pero curious lang ako, pare, kilala rin ang pamilya nina Nikki sa alta sosyedad na ginagalawan natin kaya hindi mo basta-basta magagawa ang sinasabi mo kanina na tatanggalan mo sila ng yaman. Lasing ka na ba talaga kaya kung ano-ano na ang nasasabi mo?" pagak na sabi ni Arnold. Ngumisi si Saion.Iniisip mo pa lang ay nagawa ko na, Arnold. Nagawa kong mahuli sa bitag ko ang daddy ni Nikki. Lahat ng ari-arian nila ay pag-aari ko na ngayon. Kaya wala nang magagawa pa si Nikki kundi ang pakasalan ako! Ha-ha-ha. Humalakhak bigla si Saion saka ito nag-umpisang nag-kwento kung paano nito nagawang i-hire ang isa sa pinakamagaling na player ng poker sa buong mundo na may malaking utang na loob din noon dito. Natalo raw sa sugal ang daddy ni Nikki sa lalaking inutusan nito at nakuha ang lahat ng yaman ng mga Ybanez sa isang iglap. Nang mabaon daw sa utang ang buong pamilya ay doon nag-alok si Saion na tutulong. Si Saion din ang nagtubos ng lupang nakuha nito sa sugal. Nakuha na nito ang yaman ng mga Ybanez ay napapapayag pa nito ang daddy ni Nikki na ipagkasundo sa kasal ang babae. Umayon ang lahat sa mga plano nito nang wala itong kahirap-hirap. "Money makes the world go round, Arnold. Lahat ng bagay ay nakukuha sa pamamagitan ng pera. Isa na roon si Nikki. I don't care if she doesn't love me. She's mine and I will do everything whatever it takes kahit pa ang alisin sa landas namin ang lahat ng taong sasagabal sa akin sa pagkuha ko sa kanya. She belongs to me, only mine..." Doon na nawalan ng malay si Saion. Dala ng sobrang kalasingan ay nakatulog na ito. Napailing na lang siya. Hindi niya alam kung may pag-asa pa na magbago ang kaibigan niya. Aaminin niya na kahit siya ay natatakot sa maaari nitong gawin. Sabi nga nila, love makes you evil and that is how he sees Saion. He's really obsessed. ___ "HOW MANY TIMES do I have to tell you na ayaw na ayaw kong makikipagkita ka sa Christian na iyon? Tell me, Nikki. Bakit ba pagdating sa lalaking iyon ay sinusuway mo ang gusto ko!" Galit na galit na sermon ng daddy niya nang makauwi na siya sa bahay. Sa totoo lang ay nanginginig siya sa takot. Bihirang magalit ang daddy niya dahil madalas ay mabait at nakangiti lang ito sa kanya pero kapag nagalit na ay panunuyuan ka talaga ng lalamunan. Hindi siya katulad ng mga kapatid niya na matapang. Hindi niya kayang labanan ang ama. Tumahimik na lang siya. At nagyuko ng ulo. "Bukas na bukas ay pupunta tayo kina Saion. Hihingi ka ng sorry sa kanya dahil sa hindi mo pagsipot sa dinner kanina," maya-maya ay nagsalita na ito nang mapansin siguro na wala naman siyang balak mangatwiran. Naalarma siya nang marinig ang sinabi ng ama. Ayaw niyang makita si Saion pero kung iyon lang ang paraan para kahit papano ay gumaan ang loob ng daddy niya sa kanya ay gagawin niya. Wala naman sigurong masama, makikipag-usap lang naman siya. Tumango na siya na nangangahulugan na pumapayag na siya. Tumalikod na sa kanya ang ama at paalis na sana ito nang tawagin niya. "Daddy, sorry po kung sinuway ko na naman kayo. Pero gusto ko pong malaman ninyo na wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko at naging masaya ang buong araw ko ngayon dahil si Kuya Christian ang kasama ko. Gusto ko rin pong malaman ninyo na hindi n'yo na kailangang mag-alala. Dahil umalis na po si Christian at pumunta na siya sa Manila." Iyon lang at inunahan na niya ito sa pag-alis. Napatulala naman si Manuel. Mukhang hindi na nila kailangang gumawa ng paraan ni Saion para maihiwalay si Nikki sa boyfriend nito. Agad niyang tinawagan si Saion para sabihin dito ang sa tingin niya ay magiging magandang balita para rito. "Hindi mo na kailangang mag-alala, Saion dahil nandito na si Nikki at pupunta kami riyan bukas para mag-sorry na siya sa 'yo. Hinding-hindi ka niya papahiyain dahil alam kong gusto niyang bumawi sa kasalanan niya sa akin. At may magandang balita ako para sa yo. Wala na si Christian. Iniwan na niya si Nikki at pumunta na siya sa Manila." "Mabuti naman kung ganoon. Dahil hindi ko na kakailanganing patahimilkin pa ang Christian na iyon dahil siya na mismo ang umalis sa dinaraanan ko. Nakaramdam siguro siya sa plano kong gawin kaya umalis. Ha-ha-ha!" Nagulat si Manuel. Mukhang lasing si Saion mula sa kabilang linya. At hindi niya gusto ang tono ng sinasabi nitong plano. "What does it mean, Saion? Don't tell me that you have a plan to kill Christian?" hinala niya. "HAH! Sinabi ko naman sa inyo noon pa hindi ba, Tito Manuel? Na kaya kong pumatay ng langaw kung makakahadlang iyon sa pagmamahalan namin ni Nikki. Magpasalamat na lang ang Christian na iyon at hindi na niya dinanas pa ang hagupit ng galit ko." Kinilabutan si Manuel. Naibaba na niya ang telepono kahit na nagdasalita pa si Saion sa kabilang linya. Hindi siya makapaniwalang kayang pumatay ng lalaki para sa kinahihibangan nito. Ano itong nagawa niya? Paano niyang naipagkanulo si Nikki sa isang demonyo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD