Chapter 6: Obsessive Childhood Friend

1502 Words
Chapter 6: Obsessive Childhood Friend Written by: CDLiNKPh KINABUKASAN... Tuwang-tuwang niyakap ni Saion si Nikki pagkakita nito sa babae. Hindi malaman ni Don Manuel kung maaawa ba siya kay Saion o hindi. Masyado itong sabik na sabik kay Nikki. Si Nikki naman ay hindi alam kung paanong kikilos. Naaasiwa siya sa yakap ni Saion pero hindi naman niya magawang itulak ito dahil sa hiya. Nasa harap kasi sila ng daddy niya at ni Senator Fortalejo. Iniwan na sila nina Senator Fortalejo at ng Daddy niya sa sala. Asikasong-asikaso siya ni Saion at pinakita pa at pinagmalaki ang mga list of achievements nito sa kanya. Nalula rin naman siya kahit papaano sa dami ng medals, trophy at awards na nakuha nito. Lahat ng iyon ay mga achievements ni Saion hindi lang sa Philippines kundi maging sa ibang bansa. Hindi lang puro sa academics ang lahat ng iyon kundi pati na rin sa ibat-ibang larangan ng sports katulad ng swimming, soccer, karate, taekwondo, martial arts, motor cross at g*n shooting. Isa rin itong international model. Lahat na yata ay pinakyaw na nito sa dami ng talents nito. Parang bigla tuloy siyang nahiya sa sarili. Kahit kasi kailan ay hindi man lang niya nabigyan ni isang medalya ang daddy niya. "Ito ang mga medals na nakuha ko noong nag-aral pa ako sa Harvard University sa America, Nikki. Lahat sila ay hangang-hanga sa talino ko roon. Madami ring babae ang naghabol sa akin at halos magmakaawa na para lang patulan ko sila pero wala akong pinansin ni isa sa kanila. Dahil ikaw lang ang mahal ko, Nikki." Mula sa pagyayabang ay naging maromantiko ang tinig ni Saion. Kinilabutan siya. Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon pala ay hibang pa rin ito sa kanya. "Kung totoo ang sinasabi mo, bakit maraming listahan ng mga babae sa Bachelors Magazine tungkol sa mga babaeng naging girlfriends mo?" pambabara niya rito. "Ohh... I didnt expect that you're also stalking me, babe. Well, lets just say na isa sila sa mga naging laruan ko noon sa States. I'm a guy, Nikki. May mga pangangailangan ako bilang lalaki. Well, if you know what I mean," pagyayabang nito. Napaismid siya. May pagkabastos din talaga itong si Saion. Nagulat siya nang bigla nitong hinawakan ang kamay niya at dinala sa dibdib nito. But youre the only girl in my heart, Nikki. Kahit marami pang babae sa mundo ay ikaw lang ang ititibok nito ma-romantikong sabi nito na para bang gusto pa nitong pakinggan niya ang t***k ng puso nito. Pasimple niyang binawi ang kamay dito at nag-iwas siya ng tingin. "Siya nga pala, tutal ay nandito ka na rin lang, mabuti nang mapag-usapan na natin ang mga detalye tungkol sa kasal natin pagdating nina daddy, Nikki." Nagsalita na ito ulit nang mapansin na wala siyang balak magsalita. Pero nanlaki na naman ang mata niya dahil sa sinabi nito. Kasal? Anong kasal ang sinasabi mo? Naguluhan na talaga siya. Tama ba siya ng narinig o nagbibiro lang si Saion? "You know how I feel about you. Mga bata pa lang tayo ay mahal na mahal na kita and it doesn't even change when I leave this town. I've already talk to your father about this and he really wants me for you. I think, wala nang dahilan para patagalin pa natin ang pagpapakasal dahil sa bandang huli ay tayo pa rin naman, hindi ba?" Hinawakang muli ni Saion ang mga kamay niya na akmang isusuot ang mamahaling singsing na inilabas nito pero bumitaw siya rito. "You're crazy! You're not even my boyfriend. Why would I marry you? May mahal na akong iba kaya huwag kang mag-ilusyon, Saion! Dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa 'yo!" pagsigaw niya saka na tumayo sa pagkakaupo sa sofa pero hinila siya pabalik ni Saion saka inihiga at dinaganan pa siya! "Alam mo ba na para mo na rin akong sinampal sa pang-iinsulto mo sa akin, ha, Nikki? Bakit, sino ba ang pinagmamalaki mo, ha? Iyong boyfriend mo na nagtitinda lang ng isda sa pelengke? Huwag mo nga akong patawanin, Nikki. Anong mapapala mo sa walang kwentang lalaking iyon? I'm a million times better than him, Nikki!" pagsigaw na rin nito. Nakaramdam siya ng takot. Parang galit na galit talaga si Saion at alam niya ang kaya nitong gawin ang kahit ano kapag ganoong galit ito. Pero pinilit niyang magpakatatag dahil hinding-hindi siya papayag na insultuhin nito si Christian. "Mas malaki ang lamang ni Christian kaysa sa 'yo, Saion. Alam mo ba kung bakit? Dahil siya lang naman ang lalaking pinakamamahal ko. Pero ikaw, kahit ano pa ang gawin moKahit na ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo ay hinding-hindi kita mamahalin!" pagsinghal niya rito. Dahil sa sinabi niya ay parang lalo lamang nagalit si Saion. Akmang itataas na nito ang kamay nito para sampalin sana siya pero hindi nito iyon maituloy! Hindi pa rin nagbabago si Saion. Kahit na masama itong tao ay hindi pa rin siya nito kayang saktan. "Pakawalan mo na ako, Saion. Please, maawa ka naman sa sarili mo. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa akin..." Tinangka niyang pakalmahin ang boses niya para mapaamo ito at makumbinsing pakawalan na siya nito pero lalo lamang dumiin ang pagkakahawak nito sa balikat niya. "Never undestimate me, Nikki. Dahil kahit saang impyerno ka pa magpunta ay hinding-hindi kita pakakawalan dahil akin ka, naiintindihan mo?!" Iyon lang at pinuwersa na ni Saion ang sarili nito sa kanya at pinilit na nito na paghahalikan siya. Siniil nito ng halik ang labi niya at kahit na nagpupumiglas na siya ay hindi pa rin niya ito magawang labanan dahil napakalakas nito. Hanggang sa matadyakan niya ang 'kargada' nito. Namilipit ito sa sakit at iyon na ang hinihintay niyang pagkakataon para makawala rito. Nagtatatakbong umalis siya roon at tinakas pa ang kotse ng daddy niya paalis. ___ "WALA KA NA BA TALAGANG ibang gagawin kundi ang pahiyain ako kina Saion at Senator Fortalejo, ha, Nikki? Ano'ng pumasok diyan sa kokote mo at bigla ka na lang umalis nang hindi nagpapaalam?!" Galit na galit si Don Manuel nang makarating ito sa Hacienda Ybanez. Siya agad ang pinuntahan nito sa kwarto niya. Nakayuko lang siya pero maya-maya ay tahimik na umiyak. "Pinagtangkaan po akong pagsamantalahan ni Saion kanina, daddy..." Umiiyak na pagtatapat niya. Natigilan naman ang don. Para ngang nakunsensya pa pero agad ding pinatigas ang sarili. "Wala namang masama dahil ikakasal na rin naman kayo, Nikki," malamig na sabi nito. Nagulat na nag-angat ng ulo si Nikki. Hindi siya makapaniwala na ganoon lang ang magiging reaksyon ng ama na inaasahan pa naman niya na manunugod kina Saion kapag nalaman nito ang nangyari. "Sinasabi n'yo pong walang masama roon, daddy? Muntik na po akong mar*pe! Sa isang r****t ba na katulad ni Saion ninyo ako gustong ipakasal? Sa ganoong klaseng lalaki? I'm sorry pero ayaw ko po sa kanya, daddy! Si Christian lang ang mahal ko!" pagsigaw na niya saka nagulat nang bigla na lang niyang maramdaman na nasampal na pala siya ng sariling ama. Parang ito man ay nagulat din sa ginawa nito pero muli ay parang itinago na naman nito ang nararamdaman nitong pagkakunsensya sa ginawa sa kanya at nagmatigas na naman. "Sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Saion, Nikki. Kung anuman ang gawin niya sa 'yo ay kailangan mong tanggapin iyon. Mahal ka lang masyado ni Saion kaya nagawa niya iyon." "Tama ka, daddy. Mahal nga ako ni Saion pero nasobrahan naman. Hindi siya ang mahal ko, bakit ba pinagpipilitan ninyo siya sa akin?" Nagawa na niyang sumagot. "At sino ang mahal mo? Ang Christian na iyon na mas mahirap pa kaysa sa daga? Anong kinabukasan ang maibibigay no'n sa 'yo? Ano pa bang hahanapin mo kay Saion, ha? He's rich, smart and good looking! Maraming babae ang nangangarap na maging asawa niya kaya magpasalamat ka na lang na ikaw ang nagustuhan niya!" "Daddy, please... Wala naman akong pakialam sa lahat ng iyon, e. Si Christian lang talaga ang mahal ko kaya huwag na ninyong ipagpilitan sa akin si Saion. Nagmamakaawa po ako sa inyo..." Lumambot na ang boses niya. Tanggap na niyang hindi siya mananalo sa pakikipagtalo sa ama kaya humihiling siya na sana ay madaan niya ito sa pakiusap. "Hindi, Nikki! Wala nang ibang lalaking nararapat para sayo kundi si Saion lang at naniniwala ako na matututunan mo rin siyang mahalin! Kung ayaw mong ikulong kita rito sa kwarto mo ay sundin mo ang sinasabi ko. Iyon lang at iniwan na siya nito sa kwarto. Wala na siyang nagawa kundi ang umiyak na lang nang umiyak sa isang sulok. Kinuha niya ang picture frame nila na magkasama ni Christian. Masayang-masaya sila roon habang naglalaro pa sila ng putik noon sa beach. Isa lang naman ang gusto niya, e. At iyon ay ang makasama lang si Christian na siyang lalaking pinakamamahal niya. Pero bakit ba parang pinaglalayo sila ng tadhana? "Christian, nasaan ka na ba? Kailangang-kailangan kita rito. Miss na miss na kita," umiiyak ang puso na sabi niya sa isip saka hinaplos ang necklace na ibinigay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD