Khloie's P.O.V.
Nagising ako sa maingay na pagtunong ng aking alarm clock. Pilit ko itong iabot para mapatay sana ang kaso ay nahulog na ito.
Bumangon na ako sa kama at tinignan iyon. Wala naman iyong basag o sira.
Pagkatayo ko ay dumeretso na ako sa banyo at ginawa ko na ang daily routines ko.
Pagkatapos kong maligo, kinuha ko na sa closet ang isang dress, civilian kasi ang sinusuot sa school. Pero may uniform namin kami na isunusuot sa mga nakalaang araw.
Bumaba na ako at nakisabay sa mga magulang ko. Parehas silang nagtatrabaho sa kompanyan namin kaya madalas ay wala sila. Sayang naman ang pagkakataon na ganito kung hindi ako sasabay sa pagkain sa kanila.
"Good morning po," bati ko at hinalikan sila sa pisngi. Miss na miss ko talaga sila.
Ilang minuto pagkatapos ko ay nagpaalam na ako sa kanila.
Nandito na ako ngayon sa school at lumalakad papunta sa room namin.
"Hey," salubong sa akin ni Jace.
Magkaklase kasi sa maraming subject dahil parehas ang course namin. Ganoon din sa mga kabarkada, sa bestfriend ko, at kay Drake.
I smiled at him. "Hello," bati ko sa kaniya.
Pumasok na kami sa loob ng room at umupo na. Hindi kami seatmates dahil si Sceven nga ang seatmates ko pero naki-upo muna sandali si Jace. Wala naman assigned seats ang kaso ay nasanay na kami sa mga pwesto namin kaya ganoon.
"May party mamaya, do you want to go there?" anyaya sa akin ni Jace.
Napaisip ako ng kaunti bago napangiti.
May party? So kung nandoon si Jace nandoon din si Sceven at dahil party iyon for sure ay merong mga alcoholic beverages and then my plan is exact to that party. Seduce Seceven Abellano.
Hindi na ako nag atubili at tumango na. "Sure, I will go," sagot ko kay Jace.
"Okay," he smiled. "Sunduhin kita sa inyo," sabi niya.
Kahapon niya lang nalaman ang address namin dahil nga hinatid niya ako.
"Sige," saad ko at ngumiti.
Dumating si Sceven ay kinalabit ng mahina si Jace. "Mag-uumpisa na ang klase so stop chichating," supladong saad niya at umupo na sa tabi ko. Ang aga aga namang bad mood ng lalaking ito. Pinaglihi ba siya sa sama ng loob?
"Badmood dude?" tnong ni Jace na nakatayo na ngayon.
Hindi niya pinansin ang kaibigan niya at prente lamang na naka upo. "Tch," pagsagot ni sungit.
"Punta na ako sa upuan ko, Khloie," paalam ni Jace. Tumango nalang ako sa kaniya.
"Enjoying his company?" biglang tanong sa akin ni Sceven habang daretso pa rin ang tingin sa board.
"So if it is a yes?" Masungit na sagot ko rin sa kaniya. Kay aga aga kasi ay ganyan siya. Hindi niya ba alam ang 'you need to start your day with a smile'.
"Tch. By the way, I don't care," sabi niya at hindi na ako muling kinausap. Tignan mo 'to.
Kung wala lang talaga akong kailangan sa kaniya, Naku! Never ko siyang kakausapin. Nakaka-high blood siya. Juice ko! Siya kaya ang unang kumausap sa akin tapos ay susungitan niya pa ako ng ganyan.
Habang nagkaklase ay hindi kami nagpapansinan. Walang imikan at nakikinig lang sa nasa harap.
Buti na lamang at agad natapos ang sobrang awkward na scene na iyon. Nagrereklamo na rin ang tiyan ko.
Nandito kami ngayon ni Jace sa cafeteria. Si Jace ang kasama ko kasi wala si Joyce. Absent ang loka-loka. 'Yan tuloy malungkot si Kurt. Pero sa totoo nga ay napansin ko ang pagtingin tingin sa akin ni Kurt at tila ba hinahanap niya si Joyce na palaging nasa tabi ko.
"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sa akin pagkatapos naming makahanap ng table.
"Hmm, carbonara and coke," nakangiti kong sabi sa kanya.
Kung ba naman ang kasama mo ay palangiti hindi ka pa ba ngingiti palagi.
"Order muna ako," nakangiting paalam niya rin sa akin.
Sumulpot naman bigla si Sceven. "I will sit here," sabi niya at umupo na sa harapan ko.
Nag-kibit balikat na lang ako. "Okay."
Dumating na si Jace. "Oh Sceven nandiyan ka pala," sabi niya at napangiwi.
"This is only my picture, obviously." pamimilosopo ni Sceven. Napakasungit talaga.
"Tch," sabi ni Jace at tumingin sa akin. "Your food, Khloie," sabi niya at inilagay sa harapan ko ang carbonara at coke.
"Thanks," pasasalamat ko.
"Basta ikaw," he said and winked at me.
"Stop and just eat," tila naiiritang sambit ni Sceven.
Nagkatinginan nalang kami ni Jace at ngumiti sa isa't isa bago mag umpisang kumain. Baka mabawal na naman kami kasi ng nagmemens na lalaki sa harapan ko.
---
Nandito na ako ngayon sa bahay namin. Nag-aayos na ako para sa party. Sinuot ko ang binili kong damit kahapon sa mall.
I look at my reflection on the mirror. Napangsi ako dahil doon.
Tignan ko lang kung tatanggi pa sa akin si Sceven ngayon.
"Khloie, nandiyan na ang sundo mo," pagkatok ni manang sa aking pintuan.
Bumaba na ako at nakita si Jace na nakaupo sa sala set. "Hi," salubong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. "You're so pretty." saad niya habang pinagmamasdan ako.
"Thanks," pasalamat ko sa sinabi niya.
Naging safe naman ang byahe namin ni Jace papunta sa party.
"Let's go," Anyaya nito at iginiya na niya ako papasok.
Sa bar kami magpaparty. Birthday ng isa sa mga kaklase namin.
Nakita ko si Sceven na nakaupo at umiinom. Napatingin naman siya sa akin at kaya naman mabilis akong ngumiti sa kaniya.
Napalunok naman siya at nag iwas ng tingin.
Get ready Sceven.
Nagtatagal na rin ang party at hindi pa ako nakakapag umpisa sa aking plano
"Punta muna ako roon ah," sabi ni Jace sa akin. Tumango lang ako sa kanya. Mabuti na lamang ay may pagkakataon na ako.
Pumunta ako sa isang stool sa bar. Kumuha ako ng inumin. Pampalakas lang ng loob bago ako pumunta sa pakay ko.
Ngunit bago pa ako matapos sa pag inom ay may nagsalita na. "Bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang aking pulang bestida.
Tumingin ako sa kaniya pero hindi ko sinagot ang kanyang tanong. I only smiled seductively at him.
I touch his lips and kiss it's just smack.
"Are you seducing me?" tanong ni Sceven habang pumupungay ang kaniyang mga mata.
Umeepektibo na ba ang halindog ko sa'yo?
I smiled at him at inilagay ko ang kamay ko sa leeg niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya. "So what if I am?" nang-aasar na tanong ko sa at kinagat pa ang aking labi.
Huminga siya ng malalim. "Pagsisihan mo pag pinatulan kita," sabi niya at mabilis na hinalikan ako. Pagsisihan ko nga ba talaga, Sceven?
Palalim na ng palalim ang halikan namin at tila ba may sarili kaming mundo roon. Mabuti nalang ay medyo madilim sa bandang ito kaya hindi kami makikita ng iilan naming mga kaklase.
Tumigil siya at nagreklamo ako roon. "Huwag tayo rito," sabi niya at binuhat niya ako papunta sa kaniyang kotse
Well I guess nagtagumpay ako. Ngunit parang hindi lang naman siya ang nabiktima ng pang aakit na ito. Dahil parang nabiktima rin niya ako.