Khloie's P.O.V.
"No I can't," sagot ni Sceven sa tanong ko sa kaniya.
Sumimangot ako. "But why?" malungkot na mungkahi ko.
Ngumisi siya sa akin. "I know that you're still a virgin. Khloie, huwag mong ibigay ang virginity mo sa kakakilala mo pa lang. Sabihin na nating magkaklase tayo, pero hindi tayo close and besides ngayon mo nga lang ako kinausap," paliwanag niya sa akin.
Napa-isip ako at napatango sa sinabi niya. Meron siyang point. Pero.... hindi ako papatulan ni Drake kung virgin pa ako. Like duh, saan ako maghahanap ng kukuha ng virginity ko? Mahirap kaya maghanap 'no.
"Fine. May point ka naman eh. Pero saan naman ako hahanap ng kukuha ng virginty ko na matagal ko ng kilala?" sinampal ko ang sarili ko, itanong ko ba naman daw 'yan kay Sceven. Puro kagagahan nalang ba talaga ang ipapakita ko sa kaniya?
Nakakaloka talaga. I know, I'm such a desperate b***h. Call me names or what but I know that.
Kumunot ang kanyang noo. "Why do you want to be devirginized?" serysosong tanong niya.
Ngumuso ako binaling sa iba ang aking paningin. "Basta." sagot ko na lamang.
Umalis na ako roon at nagbalik na sa class room namin.
Ilang oras lang ay natapos na ang subject na iyon at vacant pa ang susunod kong oras.
"Nakatunganga ka d'yan?" tanong ni Joyce sa akin. Umupo siya sa aking harapan.
Nandito nga pala kami sa cafeteria.
"Wala, may iniisip lang ako," sagot ko. Ang totoo niyan iniisip ko pa rin kung sinong pwedeng mag-devirginize sa akin.
At iniisip ko rin 'yung sinabi ni Sceven kanina. That man has a point. Pero ngayon paba mag-iiba ang isipan ko? Ngayon pa ba ako uurong? Ito na ang chance ko para mapansin ako ni Drake.
"Oh siya. Ang weird mo ngayon. Bibili muna ako ng pagkain ko," paalam niya.
Hindi naman ako pwedeng humingi ng tulong kay Joyce. Paniguradong pagsasabihan niya ako lalo na't inis na inis siya kay Drake. Kaunti nalang ay isumpa na niya ito.
"Tingin mo bagay kami ni Sceven?" tanong niya sa akin pagka upo na pagka upo niya at sumubo sa kaniyang burger.
Nasamid naman ako sa sinabi niya kaya dali-dali kong kinuha ang inumin. Ano ba naman ang pinagsasabi na babaitang 'to.
"Hindi. Mas bagay kayo ni Kurt," diretsong sagot ko. May bahid ng katotohanan naman iyon. Bagay naman talaga sila. Kapag nakikita mo silang magkasama ay may spark talaga at chemistry.
Hinampas niya ako sa braso. "Tse! Bakit naman nadamay 'yung Kurt na 'yun? Like duh mayabang na malandi pa. Playboy kamukha ng Drake mo."
Napatawa naman ako. Masyadong defensive. Baka may tinatago siya ah?
"Oh anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" inis na tanong niya sa akin.
"Wala," sagot ko nalang at mas nginitian pa siya ng mas malaki.
"Bahala ka nga," tila naiirita niyang sambit.
---
Nasa kwarto ako ngayon. Nag-iisip ng gagawin para maakit si Sceven. I don't know but I want him to be the one who will devirginize me.
Hindi ko ma explain sa sarili ko at bakit siya talaga ang nakikita kong makakatulong sa aking problema.
Napatingin ako sa laptop ko. I will find a solution to my problem. I started to type something and search about it. After a minute ay napangisi ako.
May idea na ako para mapapayag ko siya. Get ready Sceven.
Agad-agad akong tumayo sa kama ko at dumeretso sa banyo.
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot ako ng fitted jeans at loose shirt with my vans shoes. Pwede na 'yan. Kinuha ko rin ang wallet ko at tinawag ang driver namin.
"Manong Alvin, pahatid po sa mall," sabi ko sa driver namin.
Nginitian ako nito at tumango bago sumakay sa kotse namin.
Naging safe naman ang byahe namin papuntang mall.
"Manong huwag niyo na po akong hintayin, mag tataxi na lang ako pa-uwi," paalam ko sa kaniya.
"Mag-iingat ka," tinagunan niya pa ako bago umalis.
Pumasok na ako ng mall. Pumunta ako sa forver 21. Pagpasok ko ay naghanap ako ng mga daring na dress.
Pinili ko 'yung kulay red. Pang daring talaga. For sure maseseduce ko na si Sceven. Sana magtagumpay ako sa aking plano.
I will seduce him.
Pagkatapos kong bumili ay namasyal muna ako sa loob ng mall. Madami pa naman ang oras ko at gusto ko munang mag enjoy.
Naglalakad ako sa gitna ng mall ng makita ko si Jace, isa sa mga kabarkada ni Sceven.
Hindi ko alam kung papansinin ko ba siya o ano.
Bago pa ako makapag desisyon ay lumapit na siya sa akin. "Hey, Khloie."
"Hi," bati ko sa kaniya. Medyo nag-uusap namin kami sa school kaya hindi awkward.
"May kasama ka?" pagtanong niya at tumingin sa aking likuran.
"Wala," sagot ko sa tanong niya.
"Good. Pwede bang sumama na lang ako sa'yo? Wala rin kasi akong kasama eh. Boring naman kung nag-iisa 'diba?" nakangiting sabi niya. Ito ang pinaka-jolly'ng tao na nakilala ko. Laging nakangiti. Magahan din siyang kasama at hindi ka mahihiya sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya. "Sige, tara na," saad ko.
Nag-enjoy ako masyado kasama si Jace. Ang cool kasi niya. Isa pa napakadaldal niya kaya hindi kami nawawalan nang pinag-uusapan. May kinukwento siya tungkol sa kaniyang sarili. Minsan ay tungkol naman sa mga kabarkada niya.
"Grabe, nakakapagod palang mag basketball," sabi ko. Hinihingal ako ngayon dahil doon.
Nag quantum kasi kami. Pawis na pawis na nga ako eh.
"Oo nga. Para mawala 'yung pagod mo kain na lang tayo. Treat ko," sabi niya at kinindatan ako. Napatawa nalang ako sa inakto niya.
Pumasok kami sa greenwich. I'm craving for pizza. Lulubusin ko na. Libre naman ni Jace eh. As what I've said earlier hindi ka talaga mahihiya sa kaniya.
"Alam mo ngayon ko lang nalaman na ang saya mo palang kasama," nakangiting sabi ko kay Jace habang kumakain ako ng pizza.
Kumagat siya sa kanyang pizza at nilunok muna ito bago siya nagsalita. "Ako nga rin eh. Akala ko mataray ka na may pag-ka mahinhin 'yun pala may pag-ka astig ka," natatawang sabi niya.
"Hindi na po kasi uso ngayon sa mga babae ang mahinhin. Wala ng Maria Clara ngayon 'no," tumawa ako at uminom sa sprite ko.
"Thank you talaga at pinayagan mo akong sumama ngayon sa'yo," pasasalamat niya.
Agad akong pumiling sa kaniya. "Ako nga dapat ang mag thank you eh, kasi ngayon lang ako nakapaglaro ng basketball at isa pa nilibre mo pa ako," sabi ko.
Lumabas na kami ng greenwich at naglakad na.
Napatingin ako sa orasan ko. "Thank you sa time mo, Jace. See you nalang bukas sa school," paalam ko.
Kumunot ang kaniyang noo. "Anong sasakyan mo pa uwi?"
"Magtataxi lang ako. Nakapag paalam na rin naman ako kanina sa driver namin," sagot ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara," sabi niya sa akin at hinila ako palakad papunta sa parking lot. "Ako na maghahatid sa'yo." Sabi niya.
Mabilis naman akong pumiling sa kaniya. "Nakakahiya na talaga sa'yo. Baka masyado na kitang naabala niyan. Mag tataxi na lang ako," pagtanggi ko.
"Ngayon ka pa ba mahihiya?" pang aasar niya sa akin.
Natawa nalang kaming dalawa dahil doon. Magsasalita na sana ulit ako ng may pumunta sa harapan naming dalawa.
"Ako na ang maghahatid sa kaniya," napatingin naman kami ni Jace sa nagsalita.
"Sceven, bro," tinapik ni Jace sa balikat si Sceven. "Anong ginagawa mo rito?"
"May binili lang," maikling sagot ni Sceven.
Habang nag uusap sila ay mabilis akong napa isip. Gusto kong sumabay kay Sceven para mas magka moment kami ang kaso ay nahihiya ako kay Jace. He spent his hours to me tapos ay irereject ko lang ang sinabi niya? That's a no, no.
"Sige Jace sa'yo na ako sasabay," mabilisang sabi ko. Nakakahiya naman talaga kasi sa kaniya. Isa pa bukas pa ang araw ni Sceven sa akin.
"Okay," Jace said as he opened the dorr of his car.
Bago pa ako makasakay ay bumaling ako kay Sceven. Nakakunot ang noo niya sa akin at tila galit na galit.
Nang mahagilap ko ang kaniyang mata ay ngumisi ako.
Get ready Sceven.