Chapter 69

1675 Words

Chapter 69: I understand it now. Matinding sakit sa sikmura ang natamo ni Axel Crimson nang tumama sa kaniya ang parang bakal sa tigas na kamao ng kalaban. Sa pagkakataong ito ay nanlaki na sa gulat ang mga mata niya, hindi makapaniwala na sa simpleng suntok ng kalaban, ang matibay na depensa ng katawan niya ay maaapektuhan ang loob niya. Awtomatiko siyang napayakap sa tiyan niya at hindi niya na rin napansin na bumagsak na pala sa sahig ang mga tuhod niyang tumama sa ilang piraso ng mga lupa. "Hahaha! Ganyan ang gusto naming makita, kaibigan." Tumatawang sambit ng lalaki at tinaas niya ang kanang binti niya hanggang sa umabot ang paa niya sa taas ng ulo ni Axel Crimson. Muling nagsalita ang lalaki, "Simulan na natin ang laro." At ibinagsak niya ang paa niya sa taas ng ulo nito gamit ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD