Chapter 70: Burn and Death?! Nag-uumapaw na galit ang makikita sa mukha ni Axel Crimson nang magbitaw siya ng mga nakakatakot na salita. Pero ang mukha ng dalawa ay malinaw na pinipigilan ang tawa sa bibig nila, senyales na binaliwala lang nila ang mga ito at hindi man lamang kinakabahan. Sino ba namang matatakot sa kagaya niya? Puro pasa na ang mukha nito, ang mga mata niyang may hiwa ay hindi rin maimulat, ang mga tuhod niya ay nanginginig na at parang babagsak na sa hina ano mang oras. Ano pa bang magagawa niya bukod sa umiyak at sumigaw sa galit? At ang kanilang ekspresyon ay agad ding nabago sa biglaang pagbabago ng pangyayari sa paligid. "Huh? Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ng may hawak na espada sa kaniyang naramdaman. Tinapat niya ang palad sa ilalim ng mukha niya at tin

