Chapter 71: I won't forget this! Dahan-dahang tinusok ni Drolo Blood ng hintuturo niya ang noo ni Axel Crimson. Ang diperensiya ng kanilang antas ng lakas ay malinaw niyang naipapakita, sa simpleng mga kuko niya ay winasak niya ang natural at matibay na depensa ng katawan ng binata. Napatigil din naman agad siya nang bumaon ang maliit na bahagi ng kuko niya, tumulo ang mga dugo rito na agad ding naglaho dahil sa apoy na bumabalot sa katawan nito. Huminto siya hindi dahil natakot siya, tumigil siya dahil sa hindi niya malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng banta sa buhay niya. "Interesante, nasa bingit kana ng kamatayan at may tinatago ka pang kapangyarihan. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang sikreto mo, sapat ba ito para tumagal ka sa'kin? Sinong mananaig? Ang lakas ko o a

