Chapter 72: Soren Orlando! Tumalon paakyat sa isang puno si Drolo Blood. Sa bilis niya ay naglaho lang ito na parang bula sa harapan ng halos wala nang makitang katawan ng kung sino mang nilalang na kumontrol sa katawan ni Axel Crimson. Pinilit ikalma ng kumokontrol sa kaniya ang sarili, makalipas ang ilang saglit ay kumalma naman na ito at huminga ng malalim. Pero sa pagbuga niya ng hangin ay huminto na sa pagkasunog ang mga punong nasa paligid, ang katawan niyang kulay apoy na may bitak-bitak sa ibang bahagi ng katawan ay bumalik na sa normal, unti-unti na ring nawawala ang mainit na temperatura sa paligid. "Dapat na akong magpahinga, sana lang ay hindi na matagalan pa ang susunod kong pagbabalik para sa oras na makabalik ako, mahhaanap ko agad ang langgam na iyon at mapahirapan ng mat

