Chapter 66: Drolo Blood! Sa nakitang misyon ni Rain Goodman ay natuwa siya dahil sa tingin niya ay makakatulong ito sa paghahanap niya sa taong magbibigay ng direksyon sa kayamanan. Gayunpaman, naiwan pa rin siya sa loob ng bahay. Tahimik na nakatayo sa gilid at naghihintay ng mga Adventurer na maaari niyang makasama. Mabilis na lumipas ang oras, ang mainit na temperatura at nakakasilaw na sinag ng araw ay unti-unting naglaho hanggang sa sumapit na ang hapon. At kagaya kanina noong pumasok siya sa bahay, naroon pa rin siya pasensiyadong naghihintay sa grupo ng mga Adventurer na kukuha rin sa misyong hinahangad niyang makuha. .... Sa malilim na bahagi ng teritoryo ng mga Black Tiger sa Niarich Forest, may isang lalaki ang kampante at walang ingay na lumalakad sa dapat ay isang mapangani

