Chapter 65: Kein Blood! Sa kaniyang ala-ala ay malinaw pa sa memorya niya na sa teritoryo ng mga Bloody Boar tinayo ang munting base ng Blood Clan. Kinabisado niya ang mapa na binigay sa kaniya kaya hindi na siya nahirapan pang hanapin ang tahanan. Tiyaka, ang bahay ay nasa gitna ng isang malawak at malinis na lupain, kahit na sinong mapupunta dito ay agad makikita ang bahay. Siyempre ay maingat pa rin siya dahil sa paligid, maraming grupo ng mga Adventurer ang naglalakad papunta sa magkakaibang direksyon. May iba na duguang papunta sa bahay habang ang iba naman ay halatang nagmula sa bahay na paalis na sa teritoryong ito. Tahimik siyang lumakad at pinili ang daan na wala siyang makakasalubong. Para sa kaniya ay mahihina ang mga Adventurer na nasa paligid, pero nasa loob pa rin siya ng t

