Chapter 62: Found You! Pumikit si Blue at ginamit ang lahat ng makakaya niya upang pakalmahin ang sarili. Ang kasalukuyan niyang edad ay masasabing nasa estado na ang isipan at mga karanasan niya sa buhay na maihahalintulad sa mga nakakatanda. Gayunpaman, hindi nito mababago ang katotohanan na ang katulad niyang binata pa ay may dignidad at karangalan sa loob niya na pinapahalagahan niya. Sa pamimilit sa kaniya at pagbabanta ni Rain Goodman ay parang hiniwaan ng maliit na bahagi ang dignidad niya. Alam niya naman na walang makakaalam ng nangyari rito. Pero pakiramdam niya ay may nawala sa kaniya at hindi ito babalik hangga't hindi niya natatapos ang problema sa kaharap at talagang hindi madali ang kumalma sa sitwasyon niya. Sa paglipas ng ilang segundo ay nanatili lang siyang nakapikit

