Chapter 63: Greed of Alchea! Ang harapan sa pagitan nila ni Rain Goodman ay hindi niya inaasahan, kahit ang sumagi lang ito sa isipan niya ay hindi rin. Siya rin mismo ay walang dudang matatawa sa sarili niya kung bigla niya mang naisip na mangyayari pala ito. Pero ang tadhana ay talagang nakakagulat, ang kaganapan na mukhang imposible sa lahat ay ginawa nitong posible. Tapos na ang negosasyon sa kanilang dalawa at kalmado man siya labas, sa loob niya ay hindi pa rin siya makapaniwala. Nanatili siyang tahimik sa loob nang ilang sandali. Hindi kalaunan ay nagdesisyon din siyang lumisan na sa lugar na ito na balak niya sanang gawing maliit na bundok ng mga bangkay ng kalaban. Pilit niyang pinapaniwala na wala lang ang nangyari, ngunit ang pait sa loob niya ay damang-dama niya kaya wala rin

