Her

1100 Words
"DIOS mio! Nylah hija! Doc, kumusta ang anak ko?" isang ginang na hindi katandaan ang humahangos na lumapit sa dalagang walang malay na nakapikit sa harap nila. Punong puno ito ng pag-aalala sa mukha. ‘Nylah,’ ulit ni Treyton sa pangalan nito sa kanyang isip. Kahit si Javier ay nagulat sa biglaang pagdating ng ginang. Siniko niya ito. Nakalimutan yata ng kaibigan na ito dapat ang sumagot sa tanong ng pumapalahaw na ginang. Tumikhim si Javier nang makabawi sa pagkabigla. "She's already out of danger Ma'am. We've done some series of tests and there were no serious injuries found, maliban sa laceration niya sa noo. The scans show perfectly normal as well. We've given her medicine for the pain so there's no need to worry. Let's just wait for her to wake up," pag-iimporma ni Javier sa ginang. Tila nabunutan ng tinik ang ginang dahil sa narinig. "Naku, salamat doc kung ganun," punong puno ng pasasalamat ang boses nito. "Paano nyo po nalaman na nandito ang pasyente? There was no proof of identity kaya hindi namin alam kung sino ang tatawagan. Maski pangalan niya hindi namin alam," nagtatakang tanong ni Javier sa ginang. Tiningnan nito ang nakapikit na anak. Puno ng pag-aalalang hinawakan niya ang ang kamay ng dalaga. "She's learning how to drive by herself. We live in the subdivision nearby. May nakapagbalita sa amin na nakita nilang nakabalandra sa kalsada ang kotse at bumangga sa poste. Our secretary made series of calls to hospitals nearby. Mabuti at natuntun kaagad," anang ginang habang pinipisil nito ang kamay ng dalaga. "I see. In that case ma'am please follow me, you need to sign some papers," iginaya ni Javier ang ginang sa nurse station. Nilingon siya nito, sinasabi ng ekspresyon nito na siya na muna ang bahala sa pasyente. Wala sa loob na napatango nalang si Treyton. Isinara ng binata ang kurtina na nagsisilbing dibisyon ng bawat hospital bed. Payapa paring nakapikit ang dalaga. "What an idiot," bulong niya kasabay ng pagupo sa bandang paanan ng higaan. Sumadal siya at ipinikit ang mga mata. "Excuse me, who are you calling an idiot?" masungit na boses ang pumukaw sa kanya. Biglang napadilat ang binata. Hindi niya napansing nagkamalay na pala ito. "Kanina ka pa ba gising?" nagdududang tanong niya dito. Pinamulaan naman ng mukha si Nylah. Nag-iwas siya ng tingin sa binata. Actually, nagising siya dahil sa ingay ng ina pero mas pinili niyang huwag na munang magmulat ng mata. Alam niyang sermon ang aabutin niya dito. "So, you we're just pretending this whole time!" maang na pahayag ni Treyton. Lumabi ang dalaga. Mapanuring pinagmasdan ito ng binata. Now that she's awake, he can see more clearly what a beauty she is. Bumagay dito ang mapupungay at dark grey nitong mga mata. She has high cheekbones that enhanced her mestisa features. "Do I look beautiful enough in your eyes?" nakataas ang kilay na tanong ni Nylah sa binata. Pansin niyang kanina pa ito nakatitig sa mukha niya. "You," maya-maya ay walang emosyong sabi nito. "Pardon?" "You asked who am I calling an idiot, right?" patuyang saad niya. Tila umusok naman ang ilong ng dalaga sa narinig. "How dare you call me names!" pigil na pigil sa galit ang boses niya dahil ayaw niyang gumawa ng eskandalo. "Then tell me, what should I call someone who drives a car na hindi naman pala marunong kaya nadisgrasya?" anang binata. "Kaya nga nag-aaral diba para matuto!" naniningkit ang mga matang sabi ni Nylah dito. Umalis sa pagkakaupo ang binata at humalukipkip sa paanan niya. "As far as I know, kung nag-aaral magmaneho ang isang matalinong tao they hire someone to guide them. Pwede din naman mag-enroll sa driving school kung gusto." Busy ang schedule ni Treyton pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nagaaksayang makipagdiskusyon sa babaeng kaharap. He's amused how spite glints in her eyes sa bawat salitang binibitawan niya. "Alam mo ikaw, gwapo ka pero ampangit ng bunganga mo!" hindi na napigilan ni Nylah na duruin ang binata. Sumosobra na ito sa kanya. Hindi napigilan ni Treyton ang mapangiti. ‘Aba! Ang antipatikong ito may gana pang ngumiti!’ nagngingitngit ang kalooban niya. She scrutinized him behind her lashes. Matangkad ito, matipuno ang pangangatawan. He has a pair of jet-black eyes na akala mo laging nanunukat ang tingin. She likes the shape of his nose. His ears are sexy too. Wait! What! Saan galing yun? Ipinilig ni Nylah ang ulo. May naramdaman siyang kirot sa kanyang noo. "Tch, aw!" napahawak siya sa pinanggalingan ng sakit. May nakapa siyang tila tela at plaster. Lalong kumunot ang noo niya sa sakit nang medyo diniinan niya ang pagkakahawak dito. May bukol ba siya? "Hey, careful. We had to stich you dahil sa lakas ng impact," ani Treyton nang makita niya ang nasasaktang ekspresyon ng dalaga. Nanlaki naman ang mga mata ng huli sa narinig. Sa pagkakatanda ni Nylah bago siya mawalan ng malay ay nataranta siya nang biglang may tumawid na aso sa intersection malapit sa subdibisyon kung saan sila nakatira. Ninais niyang iwasang mabundol ito, ngunit imbes na preno ay silinyador ang naapakan niya. Humarurot tuloy ang minamaneho niyang sasakyan at bumangga sa poste. Hindi na niya alam ang mga sumunod pang pangyayari. Nagsisisi ang dalaga, ngunit determinado din siyang matutong magdrive. "Hey, are you ok? Does it hurt that much?" Sunod-sunod na tanong ni Treyton. Bigla siyang may nararamdamang panic nang hindi na kumibo ang dalaga. Akmang sasagot si Nylah nang may humawi sa kurtinang tumatakip sa pwesto nila. "Oh, mi hija, you're awake! Gracias por Dios!" bulalas ng mommy niya. Agad siyang dinaluhan ng ginang at niyakap. Pinanlakihan niya ito ng mga mata, "Mom! You have to keep your voice down, nasa hospital tayo," aniya nang makabitaw siya sa pagkakayakap ng ina. "Por que mi amor? Muntik na akong himatayin sa sobrang takot! Paano natin ipapaliwanag kay Roberto ang lahat!" banggit ng ginang sa kabiyak. Walang nararamdamang ibang masakit si Nylah kanina maliban sa kirot ng noo niya. Ngunit nang maalala ang ama ay tila kumalat ang kirot at naapektuhan na ang ulo niya. God knows what her dad will do to her. Ito ang dahilan kung bakit sa edad niyang biente tres ay hindi pa siya marunong magmaneho. Kapag nalaman nito ang nangyari, baka pati gulong ng sasakyan ay hindi na niya masisilayan pa. Tahimik lang na nakamasid ang magkaibigang doktor sa mag-ina. Nararamdaman ni Treyton ang mahinang pagsiko ni Javier sa kanya. Kunot noong binalingan niya ang kaibigan. Pagkatapos siyang istorbohin sa pagtulog at pagbantayin ng pasyente nito. Anu na naman kaya ang sasabihin ng damuhong ito? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD