Emergency

1092 Words
NAKAKABINGING sirena ng ambulansya ang umagaw sa atensiyon ng lahat ng tao sa loob ng ER. Tila awtomatikong naging alerto ang lahat ng tao doon. May ilang nurse sa tumakbo palabas kasamang ang isang doktor upang daluhan ang dumating na ambulansya. Si Javier naman ay nagmamadaling nagpaalam sa kanila. Ipinasa nalang nito ang chart sa kanya kung saan nakasulat ang prescriptions at diagnosis sa dalaga. He looked at the time, it's almost his clock out. Binalingan niya ang mag-inang nakamasid sa paligid. "Mrs. Carasquillo, though the scan seems ok, I would suggest for your daughter to stay here for at least 24 hours so we can observe her." "No,no. I want to go home now. I don't like hospitals. If I feel anything strange, we will be back. But for now, Doc gusto ko nang umuwi." Her face shows nothing but unwillingness about his suggestion. Walang nagawa ang ginang kundi pirmahan ang discharge slip. Bilang doktor naiintindihan ng binata ang pag-aatubili nito. Iniabot niya sa ginang ang kalahati ng slip kasama ang prescription na ginawa ni Javier. "Paging Dr. Sebastiano, you are needed in the operating room," anang tinig na nagmumula sa PA system ng hospital. Lumapit sa kanya ang head nurse ng ER. "Doc, the patient needs to undergo an emergency operation. He is a burglary victim with blunt force head trauma. Base po sa scan may clot na sa utak niya," pahayag nito. "Ma'am, I have to go now. One of the nurses will bring you the rest of the medicine. Your daughter was already given her first dose, so she needs to take another one after 4-6 hours if the pain becomes unbearable. Make sure to dress the wound twice a day. Please be back after a week." Puro tango lang ang sagot ng ginang sa bawat sinasabi ni Treyton. Nakatitig naman si Nylah sa gwapong doktor. She's fascinated by how calm he is given the situation right now. Nabigla siya nang bumaling ito sa kanya. "And you, be careful next time." Iyon lang at tuluyan nang umalis si Treyton. She suddenly felt butterflies in her stomach dahil sa sinabi nito. Tanging ang nagawa nalang niya ay habulin ito nang tingin habang nagmamadaling naglakad ang binata papunta sa elevator. "Hija, how are we going to explain this to your Papa?" anang mommy niya. Hindi siya gaanong kinakabahan dahil hindi naman nila ito kasama sa ngayon. Her family hails from Cebu, kilala ang angkan nila sa shipping industry. In fact, pamilya nila ang nagmamay-ari sa pinakamalaking cargo shipping line sa buong bansa. In other words, she was born with a golden spoon, maliban pa sa pagiging unica hija niya. Nasa Manila sila ngayon dahil may dinaluhang charity event ang mommy niya. Sinamahan lang niya ito. Noong una ay ayaw pa siyang payagan ng ama. Subalit nakumbinsi niya rin ang huli. Ginawa niyang panabla dito ang graduation gift niya. Ayaw siya nitong payagang umalis ng bansa kaya pinilit niyang payagan siya nitong sumama nalang sa ina. She just graduated from college 3 months ago. Given the choice she would have taken up Psychology, but her dad chose her course so she was forced to take a business course instead. It's the field that she had no single ounce of interest to, regardless of the situation she still studied hard and finished with honors. Ginawa niya iyon para walang masabi ang ama. "Mom, what he doesn't know won't kill him," sagot niya sa nag-aalalang ina. "And what if he finds out? He will kill me!" "C’mon mom, as if Papa will do that. If I know siya ang takot sayo." "Tienes falta! Not when it comes to you," pagtatama sa kanya ng ina. Her mom is quite right. Pagdating sa kanya ang papa niya ang nasusunod. Simula pagkabata he treated her like a fragile China doll. She cannot blame him. Though she grew up normally, Nylah was born with a congenital heart disease. She began experiencing the symptoms when she was about to graduate from senior high. It would have been easier for her to be cured in the US, pero ayaw sumugal ng papa niya. Why? Because even riding an airplane could be fatal for her. So, they waited until a heart donor was available. And luckily dininig ang panalangin ng mom niya. She got operated 3 years ago and her heart was replaced by her donor's. Pero sa kabila niyon ay wala paring nagbago sa pagtrato nito sa kanya. Naputol ang pag-uusap nilang mag-ina nang may lumapit na nurse at ibinigay ang gamot niya. Nagpasalamat siya dito, pagkatapos ay inaya na niya ang ina para umuwi. Hindi na niya matatagalan pa ang manatili pa sa ospital ang ilang segundo. Nagtalo pa sila dahil gusto siya nitong ipasakay sa wheelchair na tinanggihan naman niya. Ngunit, walang nagawa ang dalaga nang pagbantaan siya ng ina na itutuloy nito ang pagpapa-confine sa kanya. Padabog siyang umupo dito at itinulak siya ng isang hospital personnel hanggang sa entrance kung saan nag-aabang ang kanilang sasakyan. "BRO, how was it?" untag ni Javier kay Treyton. Wala pang kinse minutos mula nang sila ay nakalabas mula sa OR. Inabot ng tatlong oras ang operasyon ng emergency patient niya. Nang masiguro ng binata na nasa maayos na itong kalagayan ay ipinaubaya na niya ang pagtapos sa isang NS din na kasama niya. "How was what?" Tanong niya dito saka itinungga ang coffee in can na hawak. "Nylah," Javier said impatiently. Nagkibit balikat lang siya. "Ayaw niyang magpaconfine. So, I sent her home," aniya. Napalatak ang kaibigan at tila nainis sa kanya, "Alam mo pare naisip ko minsan kung detached ka lang ba o talagang wala ka nang pakialam sa mundo. For God's sake she has your wife's heart, bro!" "So, what would you want me to do? Take it out from her and bring it home! Kapag ginawa ko yun tutubo ba ang katawan ni Cassie mula sa pusong yon? If you will say yes, then right at this moment I will find her and open up her chest!" marahas na sabi niya dito. What's with the people around him! Why is it that they can't just leave him alone! It's been 3 years! Three long f*****g years that feels like eternity! And since then, he's been living in a hell hole. Akala ba nila naging madali ang lahat para sa kanya? His wife was arduously fighting for her life but he wasn't there beside her. Naikuyom ni Treyton ang palad. It is one of the painful memories na ayaw na sana niyang maalala. To be continued ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD