"LET'S finish our meal and then dress your stitches later on. If you're feeling fine, perhaps we can go to the mall," pagkuwa'y wika ni Kenzo.
Gusto niyang sulitin ang araw na kasama ang nobya dahil kinakailangang makabalik siya bukas sa Singapore para sa continuation ng conference na dinaluhan.
"I like the sound of that. And stop worrying ok na ako," anang dalaga na bumalik na sa sarili nitong upuan upang ituloy ang pagkain.
They both enjoyed their meal with lots of laughter and stories.
Kahit naging sila na ay wala paring nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t isa maliban sa paminsan minsang intimacy.
They became lovers and friends at the same time. They still enjoy things that they used to do.
Naging mas memorable na nga lang dahil magkasintahan na sila. And one of those ay mag-ikot-ikot sa mga mall.
Minsan sa isang buwan kung gawin nila iyon sa Cebu noong hindi pa siya nooperahan. Ngunit mula noong gumaling siya mula sa operasyon, kung saan saan na sila nakakarating.
Na-eenjoy na niya ang pamamasyal at paglalakad sa gilid ng dagat. Gayun din ang pagpunta sa mga night market.
Isa lang ang ayaw nitong gawin niya - ang pagsakay sa mga extreme rides. Hanggang carousel lang siya kapag nagpupunta sila sa mga amusement parks. Ayus lang naman sa kanya iyon sa ngayon pero in time susubukan dun niyang sumakay sa roller-coaster.
"Ready?" Nakangiting bungad sa kanya ni Kenzo habang pababa siya. Tila prinsipe itong nag-aantay sa dulo ng hagdan.
Nakasuot ito ng casual white polo shirt na tinernuhan nito ng black denim. He looks dashing kahit napaka-simple lang ang suot nito.
Habang siya naman ay nakasuot ng old rose-colored chiffon dress. Ginamit niya ang sandals na binili nila nang kanyang mommy nang minsang magawi sila sa mall.
Ayaw nga siyang bilhan ng ina, sabi nito antayin nalang daw niyang magpunta sila sa couture. Pero ipinagpilitan niya ang gusto.
Nawalan na siya ng hilig sa mga couture outfits. Ngayon, nakukuntento na siya sa mga simpleng gamit at simpleng bagay.
Napatili ang dalaga dahil bigla siyang binuhat ng nobyo nang malapit na siya sa panghuling baitang ng hagdan. Tila isang eksena sa pelikula ang ganap.
"Hey! Ken, babe, put me down!" natatawang sabi niya.
Kahit kelan talaga mahilig sa mga ganitong klaseng paandar ang nobyo. Hindi naman sa nagrereklamo siya. Ang totoo niyan gustong gusto niya kapag naglalambing ito.
"Where do we go first?" tanong nito nang maibaba siya.
"I don't know. Maybe we can watch movie first and then stroll nalang," anang dalaga habang busy sa pag-aayos ng nakusot na damit ng nobyo.
"Hmmm, ok that sounds fun and then anu pa?"
Kenzo playfully grabs Nylah’s waist and pulled her towards him.
"Kiddo! Keeps still! Hindi ko tuloy maayos-ayos ang damit mo!" kunway reklamo niya pero napayakap na din siya dito. Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito.
"Who's the kid, huh? Huh?"
Pilit na hinuhuli ng binata ang mga labi ng nobya pero panay naman ang iwas ng huli. Wala siyang choice kundi atakehin nalang ang leeg nito. Isang impit na sigaw naman ang pinakawalan ng dalaga.
Sa di kalayuan ay nakangiting nakamasid si Mrs. Carasquillo sa magsing-irog. Naisip niya na napakaswerte nila sa isa't-isa. Masaya ang ginang dahil natagpuan ng anak ang tunay na pag-ibig. Ayaw niyang istorbohin ang mga ito kaya tahimik nalang siyang tumuloy sa kusina.
"ALRIGHT - alright - stop," ani Nylah sa pagitan ng mga hagikgik. Gusto niyang ilayo ang katawan mula sa binata ngunit mahigpit ang pagkakayapos nito sa kanya.
Tila batang tumalima naman ito sa sinabi niya. Subalit imbes na bitawan siya nito ay mas lalo pang hinapit ang kanyang bewang.
"I'm so glad I'm with you today babe."
Seryoso ngunit may ngiti sa labing nakatunghay ito sa kanya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok na napunta sa kanyang mukha.
"Mister, as if naman, we're also together last Valentines, remember?"
"I know, pero siyempre iba naman ngayong taon di ba,"
He gave her a light kiss on her cheek then completely engulfed her in a tight hug.
Nylah loves nothing in the world more than feeling his warm embrace. Ang kaso magyayakapan nalang ba sila buong araw? Sayang naman ang bihis niya.
"So, ang siste Mr. Navarro magyayakapan nalang ba tayo buong araw?"
Nakasiksik parin siya sa katawan nito.
"Bakit, ayaw mo ba? Ganito tayo buong araw, araw-araw, habambuhay," anitong ipinatong ang baba sa kanyang ulo.
Napangiti siya sa sinabi nito. Aware siyang sobrang cheesy ng nobyo pero parang napaka-extra cheesy naman yata nito ngayong araw.
"Hindi po ako nagrereklamo Doc. Ang sakin lang may promise po kayong date. Paano matutupad yun kung nakalingkis ka sakin maghapon?"
Natawa ang binata sa narinig. Bahagyang niluwagan nito ang pagkakayakap sa nobya.
"Sige na nga," He hesitantly let her go. Pero bago iyon ay hinalikan muna siya nito sa noo. May plaster parin siya dito pero pinalitan na ni Kenzo ng mas maliit.
Magkahawak kamay nilang tinungo ang garahe. Napatigil sa paglalakad ang dalaga nang may biglang maalala.
"Wait, magpa-alam muna tayo kay mommy!"
Nawala na sa isip niyang magpa-alam sa ina dahil sa kakulitan ng nobyo.
"Already took care of that princess, tatangayin ba kita nang hindi nagpapaalam," ani Kenzo.
Ipinagpatuloy nila ang paglalakad.
Ipinagbuksan ni Kenzo ng pinto ang dalaga nang makatapat sila sa isa sa mga nakaparadang sasakyan.
ILANG sandali pa ay nakarating sila sa isa sa pinamalaking mall sa Manila.
Una silang tumungo sa cinemaworld upang tingnan kung anu ang mga pelikulang palabas sa araw na iyon. Dahil sa espesyal ang araw para sa mga magkasintahang kagaya nila. Kapansin pansin na mas maraming tao sa loob ng mall kumpara sa mga ordinaryong araw.
Nang makapili sila ng pelikula at nang oras kung kelan ito panonoorin nagstroll muna sila sa paligid. Gustong piliin ni Kenzo ang last full show pero hindi siya pumayag. Nais ng dalaga na sa bahay sila maghapunan dahil ipagluluto niya ito ng paborito nilang seafood pasta.
Actually, dati si Kenzo lang ang may paborito niyon pero just recently nagustuhan na din niya ito.
Pagkatapos nilang manood ay sandaling nagpaalam sa kanya ang nobyo. Kaya sinabihan niyang puntahan nalang siya nito sa grocery. Mamimili siya ng mga kakailanganing rekado para sa pagluluto.
KANINA pa paikot-ikot si Nylah sa loob ng grocery store.
Hindi niya makita kung saang isle nakalagay ang mga western imported goods. Mayroon siyang hinahanap na specific brand ng white sauce.
Napabuga siya nang hangin nang mabistahan kung saan ito nakalagay. Nakahalo pala ito sa mga asian condiments.
Halos kasabay ng kamay niya ang isa pang kamay sa paghawak ng bote ng white sauce na hinahanap niya. Nag-iisa nalang ito doon sa shelf.
Binalingan niya ang nag-mamay-ari ng kamay na iyon. Whoever it is hindi niya ibibigay ito dito.
Siya yata ang nauna.
To be continued...