NAPAKUNOT ang noo ni Treyton dahil may parang biglang pumigil nang akmang iaangat na niya ang dinampot na bote ng white sauce. Nakailang ikot na siya sa isle ng condiments at sa wakas ay nakita na niya ang hinahanap. Yun nga lang may makikipag-agawan pa yata sa kanya dito.
Pagtingin niya ay may kamay ding nakahawak sa bote.
Tumikhim siya para kunin ang atensyon nang kung sino mang nagbabalak umagaw sa kanya nito.
Right at that exact moment bumaling naman sa kanya ang nagmamay-ari ng kamay. Lalong nalukot ang noo niya nang mapagsino ito.
"You! / Ms. Carasquillo!" magkasabay nilang naibulalas.
What! Of all people bakit ang antipatikong doktor pa ang magiging kaagaw ni Nylah sa white sauce!
At ang matindi natatandaan pa nito ang pangalan niya!
"I grabbed it first!" aniya na humigpit ang pagkakahawak sa bote.
"Uh, I guess not. You see, kamay ko yung nasa taas. So, I did it first," apela naman nito.
Aba talaga lang! May balak pa yata itong makipag-agawan sa kanya!
"So, anu to? Chivalry is dead?" masungit na sabi niya. Kagaya niya ay hindi pa din pinakakawalan ng binata ang bote.
Wala naman ni isang nagbalak sa kanila sa humila dito kaya nanatili parin itong nakapatong sa shelf.
Kawawang bote ng white sauce. Mabuti nalang wala itong buhay. Dahil kung hindi, tiyak na kanina pa ito nalagutan ng hininga sa higpit ng pagkakahawak nila dito.
"I'm sorry to disappoint you Ms. Carasquillo but I don’t feel gallant at all times."
'Huh! I know because you're a jerk!' bulong niya sa isip.
Tiningnan niya ito ng masama.
Hindi naman nagpatinag ang binata.
Pareho silang nagulat nang may tumikhim sa likod nila.
"Excuse me po Ma’am at Sir. Huwag na po kayong mag-agawan. Madami pa po kaming stock niyan. Nagpakuha na po ako sa isang kasamahan ko," anang isang staff. Kanina pa pala ito nakatingin sa kanila. Naglakas loob itong sumingit sa pag-iiringan nila.
Tila naman napapasong sabay nilang binitawan ang bote. Pulang pula ang mukha ni Nylah dahil sa nangyari, nagmukha tuloy silang cheap.
"Salamat Miss, pasensya na," narinig niyang sabi ni Treyton. Nginitian pa nito nang matamis ang staff. Mukhang kinilig naman ito sa ginawa ng gwapong doktor at pasimpleng isinabit ang buhok sa tenga nito kahit nakapusod naman.
"Sige po. Antayin nyo nalang," anito saka iniwan silang dalawa.
"Jerk!" naiinis na bulong ng dalaga. Mahina lang ito ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ni Treyton.
"Pardon Ms. Carasquillo?" untag ng binata.
"Nothing," painosenteng sagot niya.
Tiningnan ni Treyton ang dalaga. Nakahalukipkip ito at bahagyang nakanguso. May munting ngiti ng sumilay sa kanyang mga labi. She looks like a kitten with barely visible claws.
Anu nga pala ang ginagawa dito nito. Dapat ay nagpapagaling pa ito dahil wala pang 48hrs ang nakalilipas mula nang masangkot ito sa aksidente.
"How are you feeling? Hindi ba sumakit yang sugat mo?" maya-maya ay naulinigan niyang tanong ng katabi.
Saglit na nagtaka si Nylah sa tinuran ng binata. Kanina lang ay nakikipag-iringan ito sa kanya dahil sa white sauce. Ah, oo nga pala, pasyente nga pala siya nito.
"As you can see Doc, I'm perfectly fine," sagot niyang medyo diniinan ang mga katagang doc.
"You should still be resting. Anung ginagawa mo dito? Don't tell me nagdrive ka na naman?"
Nylah clenched her teeth.
Why does it feel like he is scolding her. Tsaka pakj ba nito kung bakit siya pakalat-kalat sa mall?
Wala na sila sa ospital kaya hindi na siya pasyente nito!
Hinarap ng dalaga si Treyton. Kita sa mukha nito na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
"Look Doc Trey," banggit ni Nylah sa pangalan niya. "As much as I appreciate your concern, hindi ko iyon kailangan. I know myself very well kaya alam ko kung ok ako o hindi. Salamat nalang," dagdag pa nito kasabay ng pagkumpas ng mga kamay.
Bagay na hindi nakalampas sa obserbasyon ng binata.
It is the familiar gesture that he's been longing to see for the past 3 years.
That's how exactly Cassie moves her arms when she's pissed. Alam na alam niya dahil kapag ganun na ang inakto ng yumaong asawa ay agad na niya itong nilalambing.
Nagtatakang napatingin si Nylah sa doktor nang wala siyang nahintay na salita mula dito. Handa siyang makipagbangayan dito sa mga oras na iyon. He's starting to get into her nerves again.
Titig na titig ito sa kanya. There were mixture of emotions showing in his eyes. But the most evident among them is longing.
Hindi alam ng dalaga kung paano niya natukoy kung anung klaseng emosyon iyon. Basta yun ang idinidikta ng kanyang isip.
Ang malaking palaisipan ay kung bakit.
Why would he show that kind of emotion? To think na ito palang ang pangalawang beses nilang nagkita ng binata.
What's more perplexing is the familiarity she feels with his gazes. She had a weird feeling inside that she also feels the same way. There is an unfamiliar yet familiar warmth that flows through her with the way he looks at her.
'This is getting weird,' sigaw ng isip niya.
"Kayo po ba yung naghahanap ng white sauce?"
Parehong natigilan ang dalawa sa tanong ng staff. May bitbit itong basket na puno ng mga bote ng white sauce.
"Yes, give it to me. / Yes, akin na." magkasabay nilang sabi. Napakamot naman sa ulo ang lalaki. Hindi alam kung sino ang uunahin sa kanilang dalawa.
"No, give that to her. I'll take this," ani Treyton sabay dampot sa bote na nasa shelf pagkuwan ay tila ba napapasong umalis nang walang paalam.
Sinunod naman ito ng staff.
Nalilito man sa tinuran ng doktor ay inabot nalang din ni Nylah ang bote mula sa lalaki.
"Thanks," aniya dito.
"Welcome po ma'am."
Muling ipinagpatuloy ng dalaga ang pamimili.
At the back of her mind, she's still bothered by the sudden rush of emotions she felt earlier.
And it will remain a mystery to her dahil wala naman siyang alam history nila ng binata. She thought maybe you are really bound to meet people that makes you feel that way.
Kibit balikat na itinulak niya ang cart patungong counter.
To be continued...