"Nasa'n ang magaling mong asawa?" Inayos pa ng matanda ang salamin nito bago tumingin sa kaharap. Papa'no ba niya sasabihin sa harap nito na tatlong araw pagkatapos nitong gumaling sa lagnat nito, agad itong umalis kasama ang mga tauhan kahit 'di pa magaling ang sugat nito? "Kaya nadidisgrasya, eh, masyadong matigas ang ulo." "Eh--" nag-aapuhap siya ng sasabihin. Sumenyas ang matanda na maupo sa tabi nito ang dalaga. "Isa sa mga naging biktima ni Leonora ang apo ko," hinawakan nito ang kamay ng dalaga nang umupo ito sa tabi nito. "Masisisi mo ba siya kung ba't ganyan ang ugali niya?" Sinalubong niya ang tingin ng matandang lalaki, nakikita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Sila lamang dalawa sa library, maaga pa lang nang ipatawag siya nito nang hindi nito mahagilap ang apo. "As

