Mainit. Ang singaw ng init ang nagdudulot ng 'di magandang pakiramdam sa katawan niya. Dahan-dahan, minulat niya ang mga mata--puting kisame ang una niyang nakita. Nang mapatingin siya sa kaliwang bahagi ng higaan, nanlaki ang mata niya. Ang amo niya, si Kemp, nakayakap na ito sa kanya pero--natigilan siya, ang usbong ng katawan nito, napakainit. Inaapoy ng lagnat ang lalaki nang muli niyang nilagay sa noo nito ang palad niya. Nakaupo lang siya kanina sa kama katabi nito pagkatapos itong pakainin pero nakatulog na pala siya sa pagbabantay dito. Bumaba na ang lagnat nito kanina pagkatapos nitong kumain at uminum ng gamot pero muli na naman itong tumaas. Agad siyang tumayo para puntahan ang nurse sa kabilang kwarto. "Ma'am, kailangan natin siyang dalhin sa ospital, baka nagkaro'n ng impek

