Nagtaka siya sobra nang hindi sumabay sa hapunan ang asawa. Nagpahatid lang din ito ng tanghalian kanina na labis niyang pinag-alala kaya hindi siya mapakali sa kinauupuan niya ngayon. "Iha, ba't 'di sumabay ang asawa mo?" Kunot-noong tanong ng matanda. "K-kita mo ang lalaking 'yon, minsan na nga lang umuwi rito, kahit sa pagkain walang panahon makisabay." Napailing pa ito pagkatapos sabihin ang pagrereklamo nito. Tanging sila lamang na apat ang nasa mesa, ang matandang Romualdo, sila ni Felix pati na ang nanay niya. "Napagod, Lo, si Kemp." Mabilis na sagot ni Felix na nagbigay pa ng ngiti sa kanya. Ipinagpatuloy lamang niya ang pagkain at panaka-nakang pagsulyap kay Felix. Marami siyang katanungan sa lalaki pero hindi niya maisatinig ito lalo't kaharap nila ang matatanda. Ano ang gina

