Episode 29

2252 Words

"Ma'am, salamat po sobra sa tulong mo..." Napatingin siya sa lalaki, hawak nito ang tali ng kabayong sinasakyan niya habang sakay naman ito ng isa pang kabayo. Ito ang unang beses na nakasakay siya sa kabayo. Nahirapan siya nang una pero sa kalaunan, bumait din ang hayop sa kanya sa tulong ni Dan. "Pwede ba, Dan. Kisay na lang, 'yan ang pangalan ko. 'Di naman tayo nagkakalayo ng edad siguro. Masyado kang magalang." Napakunot noo siya nang mapansin na sa kasukalan na sila ng gubat nakarating. Nakaramdam siya ng kaba. "Ahm, Dan, sa'n ba tayo pupunta?" Kanina pa sila umalis ng bahay at malayo na itong napuntahan ng kabayo nila. Ngumiti ang lalaki nang balingan ang amo. "Sa talon po, ma'am. Malapit na tayo, medyo malayo kasi sa bahay ni Sir Romualdo 'yong talon." Nawala ang kaba niya nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD