Laman siya ng balita, ng mga pahayagan pero mahigpit na ang asawa niya sa mga reporter, hindi ito makalapit sa kanya. Kalat na sa buong probinsya ang nangyari sa matanda kahit sa buong Pilipinas dahil kilala ang angkan ng mga Ramirez. "Anak, matulog ka na." Napatingin siya sa ina, hinagod nito ang likod niya nang may pag-aalala sa mukha. Halos madaling araw na pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Pansamantala siyang nakitulog sa kwarto ng nanay niya dahil wala ang asawa ngayon. Mas gusto nitong mapag-isa kapag nasa bahay naman. Ito ang labis na naapektuhan sa sinapit ng Lolo Romualdo nila. Apektado rin sila sobra pero mas matindi ang epekto nito sa asawa niya dahil pilit itong lumalayo sa kanila. Lagi lang nitong bukambibig na gusto nitong mapag-isa muna. Lagi ring umaalis ang asawa

