Nagising siya sa ingay na nagmumula sa labas kaya agad siyang napabalikwas ng bangon. Saglit muna siyang nakiramdam--ang boses na iyon. Tumayo siya sa kinahihigaan at agad na lumabas ng kubo. Tama nga! Ang asawa niya, si Kemp ang nasa labas habang hawak sa kwelyo si Cloud. Ano ang ginagawa ng taksil na ito rito pagkatapos nitong magpasasa sa kandungan ng iba? Nakaramdam siya ng galit. "Ano'ng ginagawa mo kay C-Cloud?" angil niya rito na agad siyang tiningnan. Muli itong tumingin kay Cloud bago tinulak ang lalaki. "Next time, Cloud, ipaalam mo sa'kin kapag may planong ganito ang asawa ko. Ako pa rin ang amo rito!" Sumulak ang dugo niya pagkarinig nito. Ano'ng karapatan nito na pagsalitaan ng ganito ang tao, eh wala naman itong ginagawang masama. Nakita pa niya si Cloud kagabi na naglagay

