Nakakatulig ang tugtog na nagmumula sa malalaking speaker sa plaza. Naghihiyawan ang mga tao sa perya kasabay ng pagsigaw ng kanyang asawa. Halos ayaw nang umalis ng babae sa paglalaro nito. Hila ang siko ng asawa, "lets go," Alas diyes na ng gabi. "Gusto mo bang mag-disco? Mauubos ang oras natin dito." Tumatango lang ang asawa niya pero hindi maampat ang ginagawa nitong paghagis ng barya sa nilalaro nito. Isang buwelo ang ginawa niya bago binuhat ang babaeng napasigaw sa sobrang pagkagulat. "We need to go to the plaza. Ayaw mo nang umalis sa perya, ah." Buhat-buhat niya ang babae hanggang makarating sa pinakagitna ng bulwagan. Nilapag niya ang babae sa gitna ng mga taong nagsasayawan. Agad lumapit si Felix nang mamataan sila nito. "Sayawan na, Kisay at Kimpoy," hiyaw ni Felix na pa

