Ang puting trahe de boda nito, napangiti siya kung gaano ito kaganda. Mabagal lamang ang paglalakad nito papuntang altar pero napakalakas ng iyak nito. Nang huminto ito sa tapat niya, hinampas nito ang bouquet na hawak sa mukha niya. "I hate that Cloud, brother," halos pabulong na saad ni Vianna sa kapatid. "Ba't kasi sinet-up kami ni Lolo. Nakakainis!" panay ang singa ng babae sa hawak nitong tissue. Niyakap niya ang bride, it's Vianna. Kasal ng kapatid niya ngayon at nasa harap ng altar naman ang groom na naghihintay. Ngiting-ngiti si Cloud na guwapong-guwapo sa suot nitong blue tuxedo. "He's a good man, Vianna. I swear!" Irap lang ang tinugon ng kapatid niya bago ito marahang naglakad ulit. Nginitian niya ang ama na akay si Vianna para ihatid ito sa altar. "Kemp," sumandig sa balik
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


