Episode 9

2065 Words
Marahan niyang binuksan ang pinto at sobrang namangha siya sa loob nito. May sala at kusina sa loob, may isang kuwarto rin siyang nakita. Sinara niya ang pinto pagkapasok. Inikot niya ang loob, nagpalakad-lakad siya at siyang-siya sa nakikitang rangya ng paligid. Wala pang tao rito, nasa'n kaya ang asawa niya? Sinunod niyang tiningnan ang kuwarto--nakahiga ang asawa niya. Napangiti siya. Nakatalikod si Leonora sa kanya, baka napagod ito sa party kaya nauna na. Ok na sa kanya ang ganitong set-up dahil kaya naman niyang pagtiyagaan ang babae. Lahat ng nararanasan niya ngayon ay bago sa kanya, nakakaramdam pa rin siya ng pagkaasiwa. Napagdesisyunan niyang maligo muna dahil na rin sa tagal ng pagtambay sa labas, nakaramdam na siya ng panlalagkit. Pinupunasan niya ang buhok pagkatapos mag-shower habang nakatunghay sa babaeng nakatalikod. Nakatapis lamang siya ng tuwalya. Kanina nang kinakasal sila, nangako siya na magiging mabuting asawa siya kay Leonora. Hindi basehan ang edad para sa kanya. Maalaga si Leonora sa katawan at nakikita niya ang pagiging makinis ng balat nito. Walang nagkakagusto sa kanya na kaedaran niya kaya ok na sa kanya kahit may edad ang napangasawa niya. Baka destiny niya talaga na mas matanda ang mapakasalan. Umupo siya sa kama bago marahang hinawakan ang braso ng babae. Gusto lang niyang gisingin ang asawa para ipaalam dito na nasa loob na siya ng kwarto. "L-Leonora..." Mahinang umungol ang babae bago umangat ang kamay nito at kinapkap siya. Naistorbo yata niya ang tulog ng asawa. Dahan-dahang humarap ang babae sa kanya, nakangiti ito nang ubod tamis sa kanya. Nagitla siya at biglang napatayo. Napahawak siya nang mahigpit sa tuwalyang nakapulupot sa bewang niya. Hindi si Leonora ang kaharap niya, ito ang kaibigang pinakilala ng asawa kanina. Nakalimutan na niya ang pangalan pero mas matanda pa ito kay Leonora, ang isa sa may-ari ng hotel na ito. "Kemp," napabangon ang babae at nasisiyahan nitong sinuyod ng tingin ang katawan ni Kimpoy. "Remember me? I'm Franchia, Leonora's friend. Come here!" Nataranta siya bago nilibot ang paningin. Nahagip ng mata niya ang maleta, kailangan niyang magbihis dahil nakakahiya sa kaharap niyang babae. Mabilis niya itong binuksan sabay mabilis na hinugot ang damit. Ayaw niyang magkaro'n ng problema ang asawa dahil amiga ito ni Leonora, baka namali siya ng pasok ng kwarto pero papa'nong nangyari na tugma naman ang key card sa kwartong ito? "Hey, hey! N-no, no!" mabilis na nahablot ng babae ang tuwalya ng kaharap nang akma itong magbibihis nang mabilisan. Lalo siyang napahiya nang ma-expose ang kahubaran sa matanda pero napangisi ang babae. Asar na asar naman siya sa nakikitang amusement sa mukha nito. Ano'ng problema nito? Kung 'di lang ito matanda, naku lang! Parang tuwang-tuwa pa ang babae sa kahubaran niya. Nasaan ba si Leonora? Sumakit ang ulo niya nang makitang naghuhubad na ang babae. Mabilis niyang hinablot ang damit at kasimbilis ng kidlat siyang nagbihis sa harap nito. Naka-bra at panty na lang ang matandang babae sa harap niya nang naisuot na niya ang damit. Napamura siya nang mahina at sobrang naguguluhan na sa nangyayari ngayon. "What are you doing?" inis na tumayo ang babae nang makitang nakabihis na ang lalaki. Nakapamaywang pa itong lumapit kay Kimpoy. "You don't know? I booked Leonora for tonight to have you. You will follow my order, Kemp!" Ano'ng ibig sabihin nito? Nagsalubong ang kilay niya sa nalaman. Booked? "I want you for tonight, make me happy, Kemp." Napaurong siya nang magtangka itong lumapit sa kanya. Si Leonora ang asawa niya hindi ang babaeng ito. Gusto niyang tumakbo palabas pero gusto niyang malinawan sa nangyayari. Puro kulubot na ang katawan ng babaeng 'to-- hindi niya alam, may pagnanasa pala ito sa kanya. Akala niya joke lang 'yong sinabi nito kanina na hihiramin siya kay Leonora pero totoo pala ang binitawan nitong salita sa harap nila. Dahan-dahang lumapit ang babae sa kanya at nakangiti na ito ngayon; nakabuka pa ang dalawang braso nito na gusto siyang yakapin. "Undress yourself or you want me to do it for you?" pilit inaabot ng babae si Kimpoy pero panay naman ang iwas nito. Lumayo siya sa babae at kita niya ang pagdilim ng anyo nito sa ginawa niya. Mabilis nitong sinuot ang robe at padabog na kinuha ang cellphone sa side table bago siya tinapunan ng matalim na tingin. "Leonora, this is not good! Why your husband don't want it? What's his problem?" Nakikinig lamang siya pero kinikilabutan siya sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito. Ang tanda na ng babaeng 'to pero many*kis pala. Ang asawa naman niya, ano'ng plano nito sa kanya? Binundol siya ng sobrang kaba pero sana lang ay mali siya sa iniisip niya, hindi ito magagawa ni Leonora--hindi. Ok lang kung kay Leonora niya ito gawin dahil asawa naman niyang legal ito basta 'wag lang sa huklubang matanda na'to. "Whaat?" singhal ng matandang babae kay Kimpoy matapos ang tawag nito kay Leonora. Napaurong na lang siya, sa klase ng pagkakatingin nito sa kanya ngayon, para itong mangangain ng buhay sa sobrang galit nito. Ano bang problema ng matandang 'to? Tinabig siya ng babae nang dumaan ito sa harap niya at nasundan niya lamang ito ng tingin. Walang lingon-lingon na lumabas ang matandang babae. Bigla na naman siyang kinabahan. Naalala niya si Flynn at may sinasabi ito--ito na ba 'yon? Sana makita niya sa labas ang lalaki para mas lalo siyang malinawan sa mga nangyayari. Ang asawa niya, nasaan na? Bakit siya nito sinet-up sa amiga nito, labis siyang naguluhan... Nagulantang siya nang sunod-sunod na tumunog ang door bell sa loob ng kwarto na ito. Paulit-ulit ito. Malakas na katok sa pinto ang narinig niya pagkatapos nito. Dinikit niya ang tainga sa pinto pero muli na namang tumunog ang door bell. May tao sa labas. Dahan-dahang niyang binuksan ito, apat na maskuladong mga lalaki ang nakatayo sa harap niya. Mas matangkad ang mga ito sa kanya kaya napatingala siya sa mukha ng mga ito. Malalaki rin ang pangangatawan ng mga ito na parang mga wrestler, kulang na lang na isabak sa suntukan ang mga ito. Nakaramdam siya ng takot. "Come with us! Your wife is waiting." Hindi na siya nakahuma nang haklitin siya sa magkabilaang braso ng dalawang lalaki. Halos umangat ang paa niya sa sahig at mabilis siyang kinaladkad ng mga ito papunta sa elevator. Lumabas sila ng 8th floor. Isang malakas na sampal ang sumalubong sa kanya nang makapasok sila sa isang hotel room, si Leonora ang nasa harap niya at napakadilim ng mukha nito. Hawak-hawak pa rin siya ng dalawang lalaki kaya hindi siya makapalag sa ginawa nitong p********l. "Let him go.." Utos ng babae sa mga tauhan. Nasapo niya ang mukha pagkabitaw ng dalawang lalaki, parang nangapal ang pisngi niya sa lakas ng pagsampal nito. Ramdam niyang anumang oras ay puwede siyang saktan ng mga tao nito kapag nagbalak siyang tumakas o umangal. Masakit ang balat niya sa mahigpit na pagkakahawak ng mga ito kanina, nahimas niya ito nang wala sa oras dahil bumakat ito sa balat niya, namumula na ang parteng hinawakan ng mga ito. "Bakit mo tinanggihan si Franchia? Malaking customer ko 'yon!" galit na sigaw ni Leonora bago umupo sa kama. "Hindi mo ba alam na siya ang may-ari ng hotel na'to?" Isa na namang sampal ang pinakawalan ni Leonora kay Kimpoy. Nagsisimula nang umusbong ang galit niya sa asawa. Ganito pala? Ganito ang role niya sa buhay nito--ang ipagamit siya sa ibang babae? "Leonora, ano'ng pinagsasabi mo?" galit na tanong niya. Plastic lang pala ang pinakita nitong kabaitan sa kanya? Hindi siya papayag! "Bakit mo'ko binubugaw sa iba?" Labis siyang nasaktan sa katotohanang ito, nagsisisi siya sa pinasok niya. Napahalakhak ang babae bago ito sumenyas sa isa sa mga lalaki. Isang malakas na suntok ang pinakawalan ng tauhan ni Leonora kaya napaluhod siya habang hawak ang tiyan. Halos hindi siya makahinga at namanhid ito sobra. Iniangat ni Leonora ang baba niya para magtama ang paningin nila. "Kemp, malaking isda si Franchia, bumalik ka sa kuwartong 'yon," nakangisi ito sabay tapik sa pisngi ng asawa. "Magkakapera tayo ng malaki sa kanya. Pasalamat ka, unang kita pa lang sa'yo, nagustuhan ka kaagad ng babaeng iyon. Kailangang mabawi ko ang ginastos ko sa'yo..." Demonyo na ang tingin niya rito, isang sampal sa kanya ang pinagsasabi nito. Nawala ang respeto niya sa babaeng ito. "Leonora, 'wag ganito!" pakiusap niya sa babae. Ramdam pa n'ya ang pamamanhid ng tiyan nang masuntok ito ng isang bodyguard ng asawa. Nagsalubong ang kilay ni Leonora bago siya muling sinampal nito. Nangalit ang panga niya pero pinigil niya ang sarili. "Kung alam ko lang na ganito pala, hindi ako papayag. Asawa kita, Leonora, 'wag ganito." "Sumunod ka sa'kin, Kemp. Hindi ka masasaktan nang ganyan kapag naging masunurin ka lang. The contract, it stated there na susundin mo ang lahat ng gusto ko!!" Natulig siya sa sigaw ng babae pero mas natulig siya sa katotohanang pagkakakitaan siya nito sa pamamagitan ng pagbebenta ng laman. Asawa niya ba ito--hindi--isa itong demonyo na nambibiktima ng kagaya niyang hirap sa buhay. May tinatago pala itong kasamaan, sinisilaw nito ang mga kagaya niya sa pera---isa na siya sa mga nasilaw. Hindi niya masikmura ang ganitong kalakaran, kailangan niyang tumakas... "Hindi ka makakatakas kung 'yan ang pina-plan-o mo. May mga tauhan ako rito, Kemp. Wala kang mapupuntahan." Napangisi siya, mind reader ba ito? Basang-basa ng babae ang utak niya, kailangan niyang lingatin ito. Tumayo siya. Napangiwi pa siya dahil masakit ang bandang sinuntok ng bodyguard nito. "Ok, Leonora!" nagtagis ang bagang niya, kailangan niyang makaalis dito sa Hongkong. Wala siyang pakialam sa isang milyon ni Leonora basta makawala lang siya sa babaeng ito. Magiging impiyerno ang buhay niya sa kamay nito. "Gagawin ko ang gusto mo!" Biglang umaliwalas ang mukha nito bago ito pumalakpak nang sunod-sunod. Masuyo siya nitong giniya sa kama para paupuin dahil nakaluhod siya sa harap nito. May first aid kit na inabot ang bodyguard ni Leonora na agad nitong binuksan. Masuyong hinaplos ng babae ang namumulang pisngi niya. Ginamot nito ang maliit na sugat sa mukha niya, bakat ito ng kuko ng babae dahil sa pagsampal nito kanina. "Kung susunod ka lang sa akin, wala tayong magiging problema, Kemp," ngumiti si Leonora. Hinawakan nito sa pisngi ang asawa at kinintalan ito ng halik sa labi. Gusto niyang itulak ang babae pero natakot siya sa mga bodyguard ng asawa. Hinayaan niya lamang ito, oras na makaalis siya sa poder nito, hinding-hindi na niya babalikan pa ang babae kahit ilang milyon pa ang i-offer nito sa kanya. "Tandaan mo, pagkabalik mo sa kuwarto, nakabantay lamang sila," nginuso ni Leonora ang apat na lalaki. "Huwag kang tatakas, Kemp. Hindi pa tapos ang kontrata natin." Pinanghinaan siya ng loob nang marinig ito. Sino ang tutulong sa kaniya? Mapait siyang ngumiti sa babae kahit plastic-an na lang. Kinakarma na yata siya dahil mukha siyang pera. Balatkayo lang pala ang magandang imahe ng babae nang makilala niya ito sa kapiyestahang iyon. Pa-donate-donate pa ito ng pera, galing din pala sa masama ang pinagkakakitaan nito... Sinenyasan ni Leonora ang mga bodyguard. Mabilis namang lumapit ang mga ito kay Kimpoy. Itinayo ng mga ito ang lalaki na nagulat. "Sa loob ka ng hotel room muna." Hinaplos ng babae ang ulo ng asawa. "Hintayin mo na bumalik ang amiga ko. Tatawagan ko siya ngayon, ok?" Matalim naman ang titig niya sa babae, hindi niya ito sinagot. Lumingon pa s'ya rito pero isang ngisi lang ang pinabaon nito sa kanya bago siya napasunod sa dalawang lalaki na hawak s'ya. Hila-hila s'ya ng mga lalaki nang lumabas sa hallway ng hotel. Palinga-linga naman s'ya nang hatak siya ng mga bodyguard ng asawa pabalik ng hotel room. Saglit na nagtama ang paningin nila nang makasalubong ang mag-asawa, si Flynn, akay nito ang asawa. "Flynn.." Halos hindi na lumabas sa bibig niya ang sinabi. Alalay ni Flynn ang matandang asawa at saglit lamang itong nagtapon ng tingin sa kanya. Ni hindi ito nag-abalang lumingon pa pero siya, nakatitig pa rin siya sa likod nito. "Just walk," mariing utos ng lalaki sa likod niya kasabay ang pagtulak nito. Halos kaladkarin na siya ng mga lalaki, nagbabasakali pa rin siyang may makasalubong at matulungan siya. May nakakasalubong pa silang ibang guest na napapatingin pa sa kanila pero hindi man lang nagtanong. Mukhang normal na ang set-up na ganito sa hotel na ito. Kalalaki niyang tao pero parang gusto niyang umiyak, pinanghinaan siya ng loob. "Don't make any scene," iritadong bulong ng isa pang lalaki sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD