Episode 10

2423 Words

Nang makapasok muli sa hotel room, napaupo siya sa couch sa sobrang pagka-depress. Biglang sumakit ang ulo niya. Sarado na ang pinto, iniwanan na s'ya ng mga bodyguard ng babae. Siguradong nagbabantay ang mga ito sa labas. Sinubukan niya itong buksan pero bigo s'ya. Papa'no siya makakatakas dito? Pumasok siya bigla sa kwarto nang maalala ang cellphone, baka sakaling maka-connect s'ya sa internet. Dismayado siya nang may password pa na kailangang i-type pero kahit ano'ng hanap niya kahit maliit na kapirasong papel o kahit ano'ng nakasulat, hindi niya makita ang password. Kahit naman probinsyano siya, alam pa rin ang paggamit nito. Inikot niya ang kasuluksulukan ng hotel. Halos nalibot na niya ang loob at nabuksan ang lahat ng cabinet pero wala siyang makita. Nanghihina siyang napaupo muli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD