Napabulalas siya ng iyak nang tuluyang lumayo ang sasakyan ng asawa pati ang nakasunod na sasakyan ng mga tao nila. Kaya pala nitong talikuran ang anak nila pati siya! Pera ang mas mahalaga sa lalaki...pera! "I hate you, Kimpoy!" malakas niyang sigaw kasabay ng pag-iyak niya. Naging maliit na sa paningin niya ang papalayo nitong sasakyan. "Ma'am." Isang tissue ang biglang sumulpot sa mukha niya. Nang lingunin niya ang nag-abot, isang lalaki ito na matipuno ang pangangatawan. "Tumawag daw po kayo kay Sir Romualdo." Nakalayo na ang lalaki bago pa man siya nakasagot. Pangkaraniwan lamang na pambahay ang suot ng lalaking iyon pero alam niyang tauhan ito ng matanda. May ilan pa siyang nakita na mga kalalakihan na malapit lang sa gawi niya pero nakatingin lamang ang mga ito sa kanya. Inirap

