Nakipagmatigasan siya ng mukha habang kaharap ang dalawa. Yukong-yuko ang babae at hindi na halos makatingin nang deretso sa kanya, si Linda. "Pumirma ka kung ayaw mong makulong, Linda." Wala siyang kangiti-ngiti habang sinusundan ang kilos nito, alumpihit ito sa upuan at 'di mapakali. "Oras na pumunta ka pa sa bahay at lalapit kang muli sa asawa ko, hindi ako mag-aatubiling ipakulong ka! Naka-file na ang kaso ko sa'yo pero may konsiderasyon ako, huling chance na ang ibibigay kong ito." "Linda, nabanggit ni Mrs. Ramirez na taga-Bukidnon ka, ano'ng ginagawa mo rito sa Maynila?" Singit ng police na um-assist sa mga ito. Halos walang imik ang babae nang pirmahan nito ang papel ng kasunduan nila sa harap ng asawa niya at mga pulis. Nadala siya ng awa nang makiusap ito sa kanya. "C-can we j

