Buong araw siyang hindi umuwi ng bahay at ngayon naman, nasa tapat na siya ng isang apartment. Kasama ang ilang barangay officials, hinintay na lang nilang magbukas ang pinto pagkatapos itong katukin. Nagulat ang babae nang pagbuksan sila nito. "Ma--Ma'am K-Kisay?" May pagtataka sa mukha ng babae nang balingan ang mga taong kasama niya. "Ano'ng ibig sabihin nito?" Kabakasan ito ng pagkalito. "Simple lang, Rebecca, layuan mo ang asawa ko kung ayaw mong maghabla ako ng kaso." Napaawang ang labi ng babae , "wala na kami ng asawa mo, matagal na." Mataray na saad nito. "T-tsaka, ma'am, nakakasiguro ka ba na ako lang ang babae ng asawa mo? Noon...oo! But now, wala na kaming contact, huling dalaw ko sa bahay niya nang mag-apply ako ng trabaho pero hindi na'ko makakabalik pa kaya chill ka lang,

