"Hey," nakangiting bati ni Kemp sa asawa. "We're just having fun, baby...nothing more." Kahit hirap siya sa paglalakad dahil sa laki ng tiyan niya, mabilis pa rin niyang naihakbang ang mga paa palapit sa mga ito. Nahawakan niya ang isang baso ng juice na agad niyang naibuhos sa ulo ng babae. Nasa harap na siya pero ni hindi ito nag-abalang tanggalin ang hitang nakasampay sa balikat ng asawa niya. Isang tili na malakas ang ginawa ng babae. "A-ano ba!!" mataray itong tumingin sa buntis. "K-Kemp, 'yong asawa mo." Agad namang nahawakan ni Felix ang kamay niya pero ang asawa niya, prente lang itong nakalublob sa jacuzzi habang nakapikit. Pinalis niya ang kamay ni Felix at sa isang iglap, ang pitcher na naglalaman ng juice naman ang naibuhos niya lahat sa ulo ng asawa. Nagulat ito at biglang

