LARA Naiwan akong nakatunganga sa mesa. Hindi ako makapaniwalang napapayag ako ni Sir Jeremy. Tinignan kong muli ang sobreng hawak ko. Naglalaman ito ng sampung libong piso bilang paunang bayad niya sa akin. Sinulyapan ko ang aking ate. Nakatitig din siya sa akin na may katanungan ang ekspresyon ng mukha. Nang makaalis na ang kanyang kausap na costumer ay ibinalik niya ang headset sa kanyang tenga at tumawag sa akin. "Well?" Lumunok muna ako bago ako sumagot. "Okay na, ate." Nakita kong napatalon ng may pagpipigil ang aking kapatid sa kanyang puwesto. Huminga naman ako ng malalim dahil hindi ko alam kung matutuwa ako sa aking naging desisyon o magsisisi. "Oh my God? Totoo? Hala! Gusto ko siya! Baka magka-developan pa kayo! Kinikilig ako hala!" "Ate... Cannot be." Tumigil sa pagke

