Chapter 9: Beshy

1660 Words
LARA 1. Pagkontrol sa Katawan: Walang sinuman ang may karapatang humawak, humimas, o humaplos sa aking katawan maliban sa aking sarili. Ako ang tanging may karapatang magdesisyon hinggil sa katawan ko, at ito ay magsisilbing proteksyon sa akin at sa aking personal na espasyo. 2. Paggalang sa Pribadong Buhay: Tawagin mo ako sa pangalan na aking ibibigay. Bawal at hindi pinapayagan ang paghuhukay o pagtatanong hinggil sa aking pribadong buhay upang mapanatili ang aking kalayaan at privacy. 3. Pagbabayad ng Ayon sa Kasunduan: Ang halaga na napagkasunduan ay kailangang bayaran ng buo at wasto, ayon sa napag-usapang presyo ng serbisyo. 4. Pagganap ng Tungkulin Bilang Temporary Girlfriend: Ako ay magsisilbing temporary girlfriend, at gagampanan ko ang mga kinakailangang hakbang upang maging maligaya at magaan ang ating ugnayan sa takdang oras. Ang pagiging sweet at maasikaso ay mangyayari lamang sa mga pagkakataong kailangan ko itong gawin. 5. Pagwawakas ng Kasunduan: Kapag natupad na natin ang kasunduan, ang ating ugnayan ay magtatapos, at tayo ay hindi na magkakaroon ng karagdagang kontak o kaalaman sa isa't isa. Ito ay upang protektahan ang ating mga personal na buhay, pati na rin ang mga posibleng pamilya at mga magiging asawa natin sa hinaharap. Ito ang laman ng kontratang ibibigay ko kay Sir Jeremy. Kailangan kong tiyakin na walang butas ang nilalaman ng aming agreement para masiguro ko ang aking kaligtasan. Hindi siya kagaya ng iba kong naging kliyente na kaagad kong nalalaman ang dahilan kung bakit nila ako hina-hire. May kutob ako na baka mas malalim pa ang kanyang rason kaysa kay Sir Allan. “Oh My God!” Bulalas ni ate Lena. Napatingin ako kaagad sa video. Pumasok na si Sir Jeremy sa loob ng coffee shop. Palinga-linga ang kanyang mga mata na tila may hinahanap. Ako man ay nagulat sa kanyang hitsura. Mas guwapo ito sa personal! Binaba ko kaagad ang tawag ni ate Lena. Hinanap ko ang f*******: messenger ni Sir Jeremy at ako naman ang tumawag sa kanya. “Hello?” Pormal na boses nitong sagot sa akin. “Good evening, Sir Jeremy.” Pabulong kong tugon dito. “May I know where you are?” Muli nitong tanong sa akin. Napatigil ako ng ilang sandali. Parang may bumara sa aking lalamunan. Siya ang pinakagwapo sa lahat ng aking mga naging kliyente. Para yatang gusto ko ng umurong sa pagkikitang ito. “Trabaho lang ito, Lara. Maging propesyonal ka at harapin mo siya.” Sambit ng utak ko. “Tumingin ka sa dulo sa kaliwa, Sir. May makikita kang babaeng naka-yellow dress. Ako po ito.” Tugon ko sa kanya. Itinaas ko ang aking mga mata at nagsalubong ang aming mga paningin. Ngumiti ito at naglakad palapit sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko. Lalo siyang gumwapo at tumangkad nang maglakad ito patungo sa akin. Pagtigil niya sa aking harapan ay inabot niya ang kanyang kamay sa akin. “Nice to finally meet you.” Nakangiti nitong sambit. --- ATE LENA “Oh My God! Grabe! Grabe!” Natataranta sa saya kong wika sa aking sarili. Hindi ko mawari kung saan nanggagaling ang saya ko. Batid ko namang pagpapanggap lang ang gagawin ni Lara bilang isang girlfriend ng yummy na lalaki na ito kung sakali, pero kung matuloy man sila sa seryosohan ay hindi na ako tututol pa. Kumbaga sa softdrinks, puro Sarsi lang ang mga nakaraang kliyente ni Lara, pero ang isang ito, Coca-Cola—1.5 liters pa! Pinipigilan ko ang aking kapatid dahil too good to be true ang hitsura ng Jeremy na ito. Pero ngayong nakita ko na siya sa personal, mas hinigitan pa niya ng ten folds ang aking ekspektasyon. Iba ang dala niyang charisma. No wonder, isa siyang manager. Napansin ko na binibigyan na sila ng pansin ng mga kumakain. Sino nga ba naman ang hindi mapapatingin sa kanilang dalawa kung pareho silang may hitsura? Alam kong hindi papatalbog ang aking kapatid. Isa siyang flight attendant dati at talaga namang pang-beauty queen ang hitsura nito. Akala ko ay sila na ang magiging hot topic ng mga crew at mga costumers ngayong gabi, pero nagkamali ako. Bumukas ang pintuan ng coffee shop. Napasinghap ako at napahawak sa service counter nang tumambad sa aking paningin ang isang matangkad na lalaki. Naka-black ito na fit na damit, nakasuot ng shades at cap at namumutok sa muscles ang katawan. Matikas at matayog ang tayo ng lalaking ito. Pinasadahan ko ang kanyang buong katawan at napako ang mata ko sa kanyang nakabakat sa kanyang pantalon. “Diyos ko… Pangatlong braso yata ang nasa loob ng pantalon niya.” Bulong ng isip ko. Gulat na gulat kaming lahat sa coffee bar sa kanyang pagpasok. Pati ang mga kumakain na malapit sa pintuan ng kapehan ay napatunganga sa kanya. Lumingon siya sa kaliwa at tumitig sa kinaroroonan ng aking kapatid. Nagtaka ako kung bakit niya ito ginawa. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti ko siyang makilala. Siya si Mister Taxi Driver! Ang ayos ng pananamit, ang malaking katawan, ang matangos niyang ilong at ang dambuhala niyang umbok! Kumilos ang kanyang mga paa papunta kay Lara. Sa taranta ko ay napasigaw ako. “WAAAIT!!!” Lumingon ang lahat sa akin. Pinasadahan ko ang mga tao at nakatitig silang lahat sa akin. Tinignan ko si Bulgy Driver at mabuti na lang ay nakuha ko ang kanyang atensyon. Tumakbo ako palabas ng coffee bar at tumungo sa kanya. Nagitla ako dahil kinailangan ko pang tumingala ng kaunti upang maabot ang kanyang mukha. Tumama ang mga mata ko sa kanyang dibdib—sobrang laki. Parang ang sarap upuan at magpatalbog-talbog doon. Lumunok ako at pinilit ko ang sarili kong magsalita. “Good evening, Sir. M-May order po ba kayo?” Ibinuka niya ang kanyang bibig at muling sumulyap kay Lara. Doon ko naramdaman na tila may kakaiba sa kanyang ikinikilos. Hindi kaya may gusto ito sa aking kapatid? My God, Lara. Ang haba ng hair mo! Ang sarap tabasan! Pero mali. Mali ito. Wala sa tamang hulog ang biglaan niyang pagsulpot. Kailangan ko siyang mapigilan bago pa mabulilyaso ang raket ng kapatid ko. Hinawakan ko ang kanyang braso para hilain papunta sa kabilang dulo ng kapehan. Pero napatigil ako dahil hindi ko nasakmal ng buo ang pulsuhan nito. Ang kapal ng kanyang buto. “S-Sir. Dito po tayo.” Pangungumbinsi ko sa kanya. Hinila ko siya gamit ang dalawa kong kamay at napalakad ko ito palayo sa aking kapatid. Ngunit habang tinatahak namin ang mesa kung saan ko siya gustong paupuin ay hindi niya matanggal ang kanyang mga mata kay Lara. Ano’ng nangyayari sa mundo? Jusmiyo! --- LARA Tahimik ni binasa ni Sir Jeremy ang papel na naglalaman ng kasunduan na ibinigay ko sa kanya. Sinipat ko ng mabuti ang kanyang mga mata. Wala akong maramdamang pagtutol o pagsang-ayon sa ekspresyon ng kanyang mukha. Pagkatapos niya itong mabasa ay humigop siya ng kaunti sa kanyang kape. Tinitigan niya ako. Napakurap na lamang ako dahil hinihintay ko ang kanyang magiging reaksyon. “Puwede na ba sa iyo ang sixty thousand pesos?” Malambing na tanong nito sa akin. Napataas ang dalawa kong kilay. “S-Saan, Sir? Sa bayad po?” Nauutal kong tugon. “Oo. Isang buwan lang. Kung kulang pa ay magsabi ka lang sa ak—” Nakaramdam na naman ako ng pangamba sa kanyang isinagot. Bago pa niya matapos ang kanyang sinasabi ay kaagad ko siyang pinutol. “Ano po ang rason, Sir Jeremy? Bakit kailangan n’yo ang serbisyo ko?” Lumamlam ang kanyang mga mata. Huminga ito ng banayad at muling tumingin sa kontrata. Pagkatapos ay tinupi niya ito at ibinulsa. Napanganga ako sa kanyang ginawa. Hindi pa kami nag-uumpisa ay binalewala na niya kaagad ang aking dokumento. “Stay with me for a month. Don’t worry. Dalawa ang kuwarto ng pad ko. Magkahiwalay tayong matutulog. Libre lahat ng pagkain mo, pati na ang laundry mo. Just stay in my house for thirty days—” Lalo lang akong natakot sa kanyang alok. “Sir Jeremy, I will ask you one last time. Why do you need my service?” Seryoso kong tanong sa kanya. “WAAAIT!!!” Sigaw ni ate Lena. Nawala ang atensyon ko kay Sir Jeremy at napatingin ako sa aking kapatid. Sinundan ng mga mata ko ang kanyang pagtakbo at may nilapitan ito na isang lalaki. Naningkit ang mga mata ko dahil parang kilala ko kung sino ang kanyang pinuntahan. Nalaglag ang panga ko. Si Manong Driver??? “Miss, pumayag ka na sa alok ko, please…” Wika ulit ni Sir Jeremy. Muli akong napatingin sa aking kliyente. Nahahati ang atensyon ko dahil sa laki ng pagtataka ko sa biglaang pagsulpot ni poging kuya driver sa coffee shop. Sinikap kong burahin sa isip ko ang nangyayari kina ate. Kailangan ko munang i-focus ang aking utak dito sa kaharap ko. “Sir Jeremy, pasensya ka na. Hindi po ako basta-basta na lamang tumatanggap ng alok ng hindi ko nalalaman kung ano ang pinapasok ko. So kung hindi n’yo po ako kayang sagutin ngayon ay thank you na lang po.” Sagot ko sa kanya at sinimulan ko nang iligpit ang aking mga gamit. Mabilis na tumayo si Sir Jeremy ang pinigilan ang aking mga kamay. Tumayo rin ako at tinanggal ko ang palad niya sa akin. Huminga ito ng malalim at bumaba ang dulo ng kanyang mga kilay. Lumunok ito at nagsalita ng banayad. “Kung iniisip mo ang kaligtasan mo, huwag kang mag-alala… Hindi kita gagalawin. Hindi kita hahawakan gaya ng nakasaad sa kontrata mo. Kakain tayo ng magkahiwalay, hindi tayo mag-uusap, hindi tayo magkikita sa loob ng bahay… Just accept my off—” “Sir Jeremy! That is impossible! Sino’ng matinong babae ang papayag na tumira kasama ang lalaking hindi niya kilala sa iisang bubong??? Kailangan ko po ng pera, oo. Pero hindi ko po isusugal ang puri ko para lamang kumita! Hindi ako ganoong klase ng—” “I HAVE A BOYFRIEND.” Sagot nito. Nalaglag ang aking mga balikat. BESHY SIYA???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD